^

Dr. Love

Batang biyudo, senior na biyuda

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Pareho kaming single ng napangasawa kong si Elsa. Matandang dalaga sa edad na 64 habang ako ay nabiyudo nang mamatay sa panganganak ang aking asawa.Matapos lang ang dalawang araw ay namatay din ang baby namin.
Sa gulang na 20 ay nagpakasal ako sa aking unang asawa at 28 anyos pa lang ako nang pakasalan ko si Elsa, na isa nang senior citizen.
Maganda siya at mukhang 40 anyos lang nang maging kami five years ago.
Ngunit matapos ang limang taong pagsasama ay naging pabaya sa katawan si Elsa kaya mukha na siyang matanda at parang nanay ko na siya ngayon.
Mahirap lang kami pero dahil kami ay nagmamahalan, nagtutulungan kaming mag-asawa para maitaguyod ang aming mga sarili. Tuwing ipinakikilala ko siya sa aking mga kaibigan, napagkakamalan siyang ina ko.
Okay lang sa  akin ‘yun pero alam ko na dinaramdam ito ng misis ko.
Tuloy, ayaw nang magsasama sa akin ni Elsa sa mga happenings ko. Dr.  Love, mahal ko siya at ayaw ko na napapahiya siya.
Ano ang dapat kong gawin?
Den
Dear Den,

Hanga ako sa pagmamahal sa iyong asawa. Ang importante sa pagsasama ay hindi ang agwat ng edad, kundi ang tunay at tapat na pag-iibigan.
Baka naman ang misis mo ay nagkukulang lang sa pag-aalaga ng kanyang katawan.  Sabihin mo sa kanya na magpostura siya as if isa siyang 30 years old lamang. Sumunod siya sa trend.
Marami sa mga kababaihan ngayon ang mukhang bata kahit sila ay 70 anyos na dahil mahusay silang magdamit at mag-ayos ng mukha.
Isa pa, huwag na lang pansinin ang masasabi ng iba sa inyo, basta patunayan ninyo na wagas at dalisay ang inyong pagmamahalan.
Dr. Love

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with