^

Dr. Love

Magkaribal, magkalaban din sa basketball game

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,
Ako po Kerks, senior high student. Share ko lang po ang nangyari sa aming intrams.
May nililigawan po akong girl klasmeyt po ng karibal ko. Team kami ng ABM tapos sila naman ang sa HUMSS.  Ewan ko kung bakit naging personal sa kanya ang laban namin sa mga games.
Noong unang game sa volleyball ng mga girls kasali ang nililigawan namin. Ayoko ko nang banggitin ang name ng girl para hindi na lumaki pa ang isyu.
Binu-bully nila ang team namin hanggang sa nagpaparinig na sila na huwag raw akong assuming. Ginawa pa nilang chear nila ang pang –aasar.
Yung mga katropa ko syempre hindi pumayag, nang-asar na rin sila.  Mabuti at walang napikon.
Sumunod ang aming game sa basketball. Dito na kami naging seryoso. Sa akin, gusto ko lang na manalo ang team namin. Kaso sa kanila parang away ang hanap. Hindi ko sila pinapatulan dahil ayokong may masabi ang nililigawan ko.
Pero hindi ko napigilan na maging personalan na ang laro. Gusto ko pa ring magtimpi kaso sinasaktan na nila kami. Nambuburaot na sila. Kaya sa inis ko, tinulak ko ang karibal ko at sinabihan ko na tumigil na sila.
Feeling ko pangit ang pinakita kong attitude dahil nagpadala ako sa galit. Inawat naman kami ng nililigawan ko pero hindi ako makakibo sa kanya at gusto sanang mag-sorry. Kita naman niyang hindi kami ang nag-umpisa ng gulo.
Pareho kaming nabawasan ng points. Natanggal ako sa laro. Nanalo pa rin naman kami pero hindi ko alam kung tanggap ni girl ang naging attitude ko.
Kerks
Dear Kerks,

Hindi mo na maibabalik ang nangyari noong oras na iyon. Kaya kung anuman ang naging reaksyon sa iyo ng nililigawan mo ay wala kang magagawa. Kung ok lang sa kanya, ayos nakita naman niya ang pagtitimpi mo. Pero kung kakampi siya sa karibal mo, eh ‘di alam mo na. May kinikilingan siya.
Hindi naman ibig sabihin na tumigil ka na sa panliligaw. Hangga’t hindi pa sila ay pwede mo pang ituloy. Maliban lang na sabihan ka niya na may napili na siya. Tiyagaan at tamang diskarte lang naman ang kailangan. Just be yourself, makikita naman niya kung talagang seryoso ka sa iyong panliligaw. Subukan mong bumawi sa academic o sa ibang bagay na mai-inspired siya sa iyo bukod sa basketball.
DR. LOVE

vuukle comment

DEAR DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with