^

Dr. Love

Kapatid pala sa ama ang girlfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Unang pagkakataon kong makapunta sa bahay ng aking girlfriend. Ipinakilala niya ako sa mama at mga kapatid niya.

Talagang kabado ako sa umpisa, pero nang makakwentuhan ko na ang mama niya nawala na nang unti-unti ang kaba.

Nakakatuwa ang soon to be mother in-law ko, kung kami na nga ng girlfriend ko ang magkakatuluyan.

May isang bagay akong natuklasan na pagkakapareho namin ng girlfriend ko, ulila sa ama. Pero ako ay wala na ring ina. Bata pa akong nang masawi sila.

Tanging larawan na lang ang kinamulatan ko tungkol sa kanila.

Bagay na napagkwentuhan naming nung araw na ‘yun Dr. Love.

Nagpabalik-balik pa ako sa bahay ng girlfriend ko at nakita ko kalaunan na magaan ang loob sa akin ng mama niya. Ganon din naman ako.

Hanggang sa sabihin sa akin ng girlfriend ko na botong-boto raw ang kanyang mama sa’kin. Ang saya ko nun, Dr. Love!

Dumating ang araw na hindi inaasahan. Sa kwentuhan namin ng girlfriend ay nag-usisa ang kanyang mama. Tinanong kung sino ang mga magulang ko at saang city o probinsiya galing.

Sinabi ko na pareho nang patay ang mga magulang ko at wala ako gaanong alam tungkol sa kanila.

Tinanong niya ang pangalan ng aking ama at hiniling na makita ang picture. Kasunod na nun ang paghagulgol niya dahil nakarelasyon daw niya ang papa ko at iniwanan raw siya nang mabuntis.

Nag-sorry siya sa akin at sinabing kahit tatay ko ang may kasalanan, pati sa akin at buong pamilya ko ay galit siya.

Nagulantang din ang girlfriend ko sa hindi inaasahang rebelasyon na kami ay magkapatid. Hindi kami pwedeng magpakasal, napakasakit!

Ano ang dapat kong gawin para makalimot?

Ed

Dear Ed,

Hindi biro ang pagsubok na ‘yan sa inyo ng girlfriend mo. Pero kung minsan ay mga pangyayari sa hindi natin kontrolado.

Ang pagkalimot ay hindi madali, pero hindi imposible.

Kung magagawa mo, lumipat ka sa ibang lugar, malayo sa mga napupunta-han ninyo ng iyong girlfriend na kapatid mo pala sa ama. At doon magsimula kang muli. Wala sa inyong mga anak ang pagkakamali, gayunman kung minsan nadadamay ang anak sa iniwang pasakit ng magulang. Sikapin mo na bumalik sa normal ang buhay mo at kalaunan ikaw mismo ang makakapansin na ok na.

Dalangin ko ang mabilis mong pag-move on.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with