^

Dr. Love

Ayaw magmukhang walang silbi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo ako Fred. Isa po akong masugid ninyong mambabasa. Dati akong seaman, medyo nakaipon naman kami ng misis ko. Sa dalawangpung taon kong pagbabyahe naging mataas na rin ang aking tungkulin. Kaso umabot na ako sa pagreretiro.  

Sumulat ako dahil ilang taon na rin akong walang trabaho. Sa huling pagkakataon ko sana na sumampa uli ng barko, hindi na ako pinayagan ng kumpanya.

Nang magpa-medical ako saktong namamaga na pala ang aking kidney. Naoperahan ako, kaya no choice kundi ang magpahinga.

Noong una tanggap ko na hindi na ako pwedeng sumakay at magnenegosyo na lang ako. Kaso na-ging sakitin na ako at hindi na tulad ng dati. Salamat sa misis ko, inaalagaan niya ako at tinutulungang hindi maburyo ang aking utak.

Ibang iba nung may pera akong kinikita noon, kaysa sa ngayon na umaasa na lang ako sa naipon namin ni misis. May dalawa akong anak na nakapagtapos. Pareho silang maayos na ang buhay. Minsan binibigyan ako ng pera ng mga anak ko pero ayaw kong tanggapin. Ayokong isipin nila na wala na akong silbi.

Fred

Dear Fred,

Maraming salamat po sa pagsubaybay at sa pagtangkilik sa Pilipino Star Ngayon.

Huwag po kayong mag-alala, sa halip ay i-enjoy ninyo ang inyong buhay. Ito ang panahon para naman igugol mo sa iyong asawa’t mga anak.

Hindi naman masama na tanggapin mo ang ibinibigay ng iyong mga anak. Natitiyak kong iyon ay tanda ng kanilang pagmamahal sa inyong mag-asawa. Maraming salamat po muli.

DR. LOVE

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with