^

Dr. Love

Simpleng Valentine’s date ang gusto

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang po ako sa pangalang Jeric. Simula ng sabihin sa akin ng gf ko na hindi  siya mahilig sa bulaklak, itinigil ko na ang pagbibigay sa kanya nito. Kaya tuwing anniversary  namin o kaya tuwing Valentine’s day walang bulaklak na dapat akong bilhin.

Pero noong first 3 years namin, talagang bongga at may balloons pang kasama ang ibinibigay kong bulaklak sa kanya bilang surpresa. Pinapaayos ko pa iyon para talagang maganda ang presentation.

Alam ko naman na naa-appreciate niya ang effort ko sa mga ganoong bagay. Kaya lang sayang lang daw ang pera, na sana sa pagkain na lang o kaya itinabi ko na lang para makaipon.

Medyo nagtaka nga ako nang sabihin niyang huwag na lang akong magbigay ng bulaklak. Eh, ‘yung mga ibang babae kinikilig kapag isang bouquet of flowers ang ibinibigay ng bf nila.

Naiintindihan ko siya at sinunod ko naman siya, na instead of flowers, simpleng date lang kami at ang mga sobra sa pera ko ay iniipon ko.

Pero minsan just to let her feel my sweetness, binibili ko pa rin siya ng flowers. Nasanay lang talaga ako na magbigay ng flowers sa taong mahal ko. Iba kasi para sa akin ang dating kapag inaabot ko ang flowers sa gf ko.

Jeric

Dear Jeric,
Ang flowers ay simbolo ng pagmamahal. Simbolo ng appreciation at gratitude sa pagmamahal na ipinadarama ng ating partner sa atin. Kaya kahit noon pang unang mga ay panahon natutuwa  ang mga kababaihan kapag sila ay inaabutan ng bulaklak.

Kung hindi mahilig sa flowers ang gf mo, pwede mo naman siyang tanungin kung ano ang gusto niyang gift na galing sa iyo.

Mas maa-appreciate niya ‘yon. Sayang nga naman kung ibibli mo siya ng bulaklak pero iba naman ang gusto niya. Tinuturuan ka lang niya na matutong magtipid para makaipon kayo.

Ituloy mo lang ang paminsan minsang pagbibigay mo ng bulaklak sa kanya kung talagang gusto mong inaabutan siya ng flo-wers. I’m sure may dating din sa kanya ang ginagawa mo. Huwag na ‘yung masyadong bongga.

DR. LOVE

vuukle comment

VALENTINE’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with