^

Dr. Love

Ayaw sana matulad sa ina

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Glaiza. Kailangan ko bang sapitin din ang naranasan ng aking ina? Anak ako ng isang foreigner. Hindi ko na sasabihin pa kung anong lahi.

Maganda ako pero mahirap lang kami. Pinalaki naman ako ng maayos ng aking ina kahit na minsan talagang kapus kami. Minsan, isang beses lang kami kakain.

Nakikitira lang kami sa aking tiyahin dahil nga iniwan kami ng aking ama. Malaki na ako nung iwan niya kami ni inay.

Maganda pa ang buhay namin hanggang sa nag-high school ako. Pero nang mag-college na ay umalis ng walang paalam ang aking ama at hindi na namin nakita.

Alam kong inilihim na ni inay ang lahat para hindi ako mag-alala. Mabuti at hindi kami pinaba-yaan ng aking tiya.

Pero hirap pa rin kami dahil wala rin namang trabaho si tiya.  Napilitan akong huminto ng pag-aaral para maghanap-buhay. Pero maliit lang ang kinikita ko sa pagtitinda ng tinapa. Kaya naisipan kong pumasok na lang sa club para kumita ng mas malaki.

Ayaw ni inay na tularan ko ang naging yapak ng kanyang buhay. Gusto ko po sanang umiwas na pero wala akong ibang paraan.

Glaiza

Dear Glaiza,

Kung ayaw mong matulad sa yapak ng iyong ina, humanap ka ng iba pang paraan para kumita, iha.

Huwag mong sa-yangin ang iyong kagandahan. Hangga’t maaari, ilayo mo ang iyong sarili sa mga makapagpapahamak sa iyo.

Pwede ka namang mag-call center o kaya mag-crew sa mga fastfood. Hanapin mo ‘yung pwedeng maka-tulong ka sa inay mo ng pang habang buhay.

Kahit maliit ang sweldo maisasaayos mo naman ang inyong buhay. Lagi kang mag-iingat alang-ala sa iyong ina.

DR. LOVE

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with