^

Dr. Love

Uma-absent para sa bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo Em-em. Ilang gabi na pinag-iisipan ko kung pakikinggan ko ang sinabi ng tatay ko sa akin. Gusto niyang hiwalayan ko muna ang bf ko.

Nagiging sagabal na siya sa trabaho ko. Guilty ako dun. Dahil basta na lang akong uma-absent para lang manood ng basketball game ng bf ko.

Pinapipili ako ni tatay ko, magtatrabaho o mag-asawa na para hindi na raw sila nag-aalala sa akin.  Sa ngayon hindi pa ako handa, ganun din naman ang bf ko dahil wala pa kaming ipon. Hindi ko pa naiisip kung ano ang magiging kalagayan namin.

Em-Em

Dear Em-em,

Kung mahal ka ng bf mo, pagsasabihan ka niya na huwag kang mag-absent sa trabaho mo. Ikaw na ang nagsabi na wala pa kayong ipon. Talagang mangangapa kayo n’yan kung paano kayo didiskarte sa buhay.

Mag-isip-isip ka iha. Marami ang gustong magkaroon ng trabaho, ikaw na may trabaho pero nababalewala mo.

Ang payo ko, hangga’t wala ka pang asawa pakinggan mo ang iyong tatay.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with