^

Dr. Love

Tama ang magulang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Noon pa mang una ay tinututulan na ng mga parents ko si Ramil na aking boyfriend. Nayayabangan daw sila dahil maporma at maangas kung magsalita.

Nung nililigawan niya ako, ang madalas niyang gamiting sasakyan ay isang motorsiklong BMW. Lagi rin siyang naka-leather jacket na talagang mukhang anak ng isang mayaman.

Hindi ko siya minahal dahil sa mukhang mayaman siya nung mga panahon na ‘yun. Kahit ano pa siya, totoo ang feelings ko para sa kanyang pagkatao, kahit hambog pa siya sa tingin ng aking pamilya at maging ng iba pang tao sa aming paligid.

Nagtanan kami at walang nagawa sina tatay at nanay.

Inaasahan kong engrande ang magiging kasal namin. Pero aniya, saka na raw ang kasal.

Itinira ako ni Ramil sa isang mumurahing apartment.

Hindi pala siya mayaman, pero okay lang dahil mahal ko siya.

Ang BMW na ginamit niya noon ay hinihiram lang pala niya sa mayaman niyang kaibigan, na pinaglilingkuran niya bilang driver.

Sa loob ng dalawang taon na nagsama kami, wala akong nadamang ligaya sa kanya. Dahil sugarol siya at nuknukan ng pagkababaero, ang kunsuwelo na lang ay hindi siya nagdodroga. Buti at hindi kami nagkaanak, Dr. Love.

Sa sinapit ko sa lalaking ‘yun, talagang nagsisisi ako. Na-realized ko na tama ang aking mga magulang ko. Ano ang gagawin ko? Nahihiya akong bumalik sa parents ko.

Herminia

Dear Herminia,

Mabuti at hindi kayo kasal at wala kayong anak. Ang pinakasimpleng hakbang magagawa mo ay layasan na ang lalaking ‘yan. Dahil wala kang kabutihan na mapapala sa kanyang klase ng lalaki.

Ang magulang ay magulang. Sa kanila ka nanggaling at tiyak na matutuwa sila kung babalik ka sa kanila. Kung galit man sila, mapapawi ito dahil ikaw ay nagsisi.

Sige. Bumalik ka sa kanila at kung ako sila, malugod kitang tatanggapin ngunit huwag na sanang maulit ang iyong kamalian.

Dr. Love

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with