^

Dr. Love

Sa kakabili ng sapatos Gusto nang sapatusin

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang po ako sa pangalang Cel, naiinis ako sa asawa ko, napakahilig niya bumili ng sapatos halos linggo-linggo bumibili siya ng bagong sapatos, eh hindi naman niya lahat nagagamit.

‘Yung iba nga nasisira na lang dahil naka-tambak.

Noong una, natuwa pa ako dahil sabi niya sa akin na discounted ang nabili niya, tapos branded pa ang nabibili niya.

Wala naman akong problema dun, nakakatipid sana siya. Ang kaso umabuso na at lagi nang bumibili, kahit wala na siyang pera, sige lang siya sa pagbili kahit iutang niya ang pambili nito.

Grocery na lang sana binibili niya tuwing lingo, matutuwa pa ako dahil mas makakatipid pa kami.

Gusto ko na nga sapatusin ang asawa ko dahil ‘yung shoe organizer namin napupuno na  at puro sa kanya lang.

Kapag lalo pa akong nainis, baka i-post ko ito sa facebook at ibenta na lang, doon matutuwa pa ako. ‘

Yun lamang po!

Cel

Dear Cel,

Dapat yatang pagpayuhan ko ‘yung mister mo. Sa isang banda, ok lang na pabayaan mo siya kaysa sa magbisyo.

Ang sapatos, nagagamit naman lagi.

Sa ngayon kasama na ang sapatos sa tini-tingnan ng mga tao. Kung maayos ang damit mo, dapat maayos din ang sapatos mo.

Bago mo sapatusin ang mister mo, isipin mo muna na kailangan din naman niya na mag-invest sa sarili niya.

Pero sabihan mo siya na hinay-hinay lang ang pagbili ng sapatos.

Pwede rin na sabihin mo sa kanya na ikaw naman ang bilhan niya.

Para makapag-isip isip siya na lagi na lang siya bumibili ng para lang sa kanya.

Mainam ang suggestion mo, pwede rin kapag wala na kayong pera, ibenta mo online ang sapatos niya online.

Sigurado ako na marami ang magma-mine n’yan.

Basta tiyakin mo lang na alam niya at ‘yung hindi niya nagagamit ang ibenta mo.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with