^

Dr. Love

Ayaw nang umibig muli

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa tingin ko sa aking sarili, ako ‘yung tinatawag na born loser sa larangan ng pag-ibig. Tawagin mo na lang akong Araceli, 30 anyos at isang single mom sa aking 10 taong gulang na anak na babae.

Sa love matters lang ako malas pero masuwerte sa kabuhayan. Supplier ako sa tatlong malaking kompanya.

Nagpursige akong magnegosyo para buhayin ko ang anak ko sa lalaking umiwan sa akin matapos akong buntisin.

Nagkaroon ako ng pangalawang karelasyon pero ganun din ang nangyari.

Marami pa ang nanligaw sa akin nang umunlad ang aking trading business pero ayaw ko na dahil baka pera lang ang puntirya nila.

Ngayon dumating sa buhay ko ang isang lalaking may simpatiya ako.

Hindi ko pa siya sinasagot dahil pinag-iisipan ko pang mabuti.

Ano ang maipapayo mo?  

Araceli

Dear Araceli,

Kung ako ikaw, tututukan ko na lang ang pagtataguyod sa aking anak dahil baka nga magkamali na naman ako ng desisyon.

Ngunit hindi ko saklaw ang iyong damdamin. Mahirap rendahan ang pusong umiibig.

Kaya kung mahal mo ang bagong lala-king dumating sa buhay mo, timbangin mo munang maigi ang damdamin mo at ang mga posibleng mangyari kung papasok ka sa panibagong relasyon.

Pag-aralan mo ring mabuti ang ugali niya at kilatising mabuti kung talagang mahal ka niya.

Kung tamang lalaki ang magiging katuwang mo, makabubuti iyan sa anak mo na may kikilalaning ama.

Pero kung magkakamali kang muli, tulu-yang masisira ang iyong pamilya. Hangad ko ang kaligayahan at matiwasay na buhay para sa inyo ng iyong anak. Kaya talaga pag-isipan mo ng mabuti bago ka magdesisyon.
Dr. Love

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with