^

Dr. Love

Biyudo at biyuda, pinagtagpo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Henry. Matagal ring nakipagbuno sa sakit na breast cancer ang aking asawa bago siya kunin ni Lord. Kasunod ng pagpanaw niya ay ang pagkagapos ko sa kalungkutan at tamlay. Nahihirapan akong makakawala roon, Dr. Love lalo sa mga sanda-ling nangungulila ako sa aking asawa.

Bagamat minsan, aminado ako na may nagugustuhan akong babae pero sa isip ko, ibinubulong ko sa aking sarili na napakatanda ko na para umibig muli. Wala na nga kako akong pagkakataon pa upang makatagpo ng babaeng makakapiling ko sa aking mga huling araw.

Pero dahil sa samahan kung saan ako napabilang, nakilala ko ang isang gaya kong nawalay na sa kabiyak sa buhay, kaya nabuhayan ako ng pag-asa. Ang espesyal na pagtitinginan ay talagang nagpanumbalik sa aking diwa at lakas.

Biyudo ako at biyuda naman siya. Kaya sabi ko sa kanya, bagay kaming dalawa. Sa kakabiro ko sa kanya naging close kami.  Hindi pala imposible ang umibig sa dapithapon ng ating buhay.

Araw-araw ko siyang tinatawagan sa messenger at minsan namamasyal kami sa mall o kaya sa kalapit nitong tabing dagat. Napapatingala na lang ako sa langit dahil sa lubos na pasasalamat. Ang akala kong walang katapusan na kalungkutan ay nag-uumapaw na kaligayahan na nga-yon. Corazon po ang pangalan nagpapaganda ng bawat araw ko, Dr. Love.

Henry

Dear Henry,

Salamat sa pagbabahagi ng iyong kasaysayan. Tunay na kakaibang sigla ang hatid ng pag-ibig. Natitiyak ko nakapaghatid ng ibayong pag-asa sa maraming may kahalintulad na kalagayan mo ang iyong liham. Dalangin ko ang marami pang taon ng kaligayahan at magandang kalusugan ninyo ni Corazon.

Nakakatuwang malaman na hindi magiging malamig ang Pasko mo, Henry. I-enjoy mo ang bawat sandali!

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with