^

Dr. Love

Nagsisisi na sinagot ang bagong bf

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

A pleasant day to you at sa lahat ng masugid mong readers.

Kaka-break ko lang sa aking boyfriend dahil sa selos na wala naman akong ebidensya.

After a week, isang manliligaw ko ang sinagot ko para pagtakpan ang aking kalungkutan dahil sa pakikipagkalas ko sa boyfriend ko na tunay kong minamahal.

Binreak ko ang jowa ko dahil may nagbalita sa akin na may idine-date siyang ibang babae. Selosa akong masyado at basta na lang naniwala kahit walang ebidensya.

Tinawagan ako ng mama ng ex ko at nakiusap na balikan ko ang kanyang anak dahil hindi makakain at makatulog.

Hindi raw totoo ang hinala ko na mayroon na siyang iba.

Mahal ko talaga siya ngunit paano ang lala-king sinagot ko? N

agbanta kasi siya na magpapakamatay kung mawawala ako sa buhay niya.

Gusto ko siyang i-break pero natatakot ako na baka totohanin ang banta.

Please help me.

Charina

Dear Charina,

Kung ako ang bago mong boyfriend, masasaktan talaga ako kung kakalasan mo ako sa loob ng maigsing panahong nagkarelasyon tayo.

Ngunit iyan ang dapat mong gawin - ang makipagkalas sa kanya,  imbes na magkatuluyan kayo na wala ka namang pagmamahal sa kanya.

Kung tototohanin niya ang pagpapakamatay o hindi, walang makapagsasabi.

Daanin mo na lang sa mahinahong paraan ang pakikipag-break sa kanya at sabihing huwag gawin ‘yon.

Pero  totohanin man niya o hindi, kailangan talagang makipag-break ka o lalo mong pagsisisihan sa buong buhay mo kung hindi mo iyan gagawin.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with