^

Dr. Love

Maginoong officemate

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Denver. Binibiro nila ako sa officemate namin, bagay na ayokong patulan dahil ang tipo kong babae ay smart at medyo maputi.

Medyo maitim na ako, kaya ang gusto ko sana ay magkaroon ng maputing lahi sa magi-ging anak ko.

Sinasabi nilang magkamukha raw kami at bagay na magkatuluyan bilang partner in life.

May crush nga raw sa akin ang officemate na ‘yun. Kung gayon man, mananatili akong maginoong officemate.

Nang mag-community outreach kami sa lugar nila, nalaman kong kilala at mayaman ang kanilang pamilya sa probinsiya ng Quezon.

Nakadama ako ng panliliit dahil masyado akong naging presko sa officemate namin na ito.

Sobrang naiba ang respeto ko sa kanya. Kaya nang bumalik na kami sa opisina, hindi ko maitago ang hiya ko sa kanya. Nagkaka-crush na nga ako ngayon sa kanya. Parang nawala ang standard ng babaeng gusto ko. Siya na nga yata ang magpapatibok ng puso ko.

Denver

Dear Denver,

Ok lang naman na makilala mo ng lubos ang babaeng nirereto sa iyo.

Tuloy mo lang pagiging maginoong officemate. Hayaan mo lang ang panahon kung ano ang magi-ging sitwasyon ninyo.

Kaibiganin mo muna siya at huwag mo namang ipahalata na nagbabago at pinagsisisihan mo na ang iyong pagiging presko sa kanya.

Kapag may humahanga sa atin, mas mababa ang tingin natin sa kanila. Feeling guwapo at ayaw magpaistorbo.

Hayan na nga, nagigising ka na sa iyong maling akala.

Be sure na totoo ang nararamdaman mong paghanga sa kanya.

DR. LOVE

DENVER

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with