^

Dr. Love

Buhay ng painter

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Renan. Isa akong painter, maayos naman ang kita kapag may nagpapagawa. Pero minsan talagang zero ako lalo na kapag hindi peak season.

Actually ayaw ng tatay ko na manahin ko ang pagpi-paint niya. Hindi niya na naipagpatuloy ang kanyang hilig dahil kailangan niyang mamili kung ang gf niya na gusto siyang mag-iba ng career o ang pagpi-paint.

Mas pinili niya ang aking naging ina. Kinalimutan na niya ang mag-paint. Kaya kapag nakikita niya akong nagdo-drawing sinasaway niya ako. Minsan talagang binali niya ang lapis ko, sobrang iyak ko nun. Pero nagpatuloy pa rin akong mag-paint.

Pinayagan naman ako ng misis ko na gawin ang hilig kong ito, pero minsan hindi sumasapat. Mayroon ngang collectors pero marami akong kakompitensiya.

Ngayon parang dumarating na naman ako sa puntong pipiliin ko ang mag-paint o ang kumita ng mas malaki para sa pamilya ko.

Renan

Dear Renan,

Huwag kang mabahala. Dapat marami kang diskarte sa buhay.

Pwede ka pa ring mag-focus sa painting career mo, basta marunong kang maki-join sa ibang mga painters.

Husayan mo rin ang pakikitungo o sa customer mo. Live a legacy.

Tandaan mo, marami kang pwedeng maitulong sa mga kabataan lalo na kapag ipinagpatuloy mo ang adhikain mong makatulong sa kanila.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with