^

Dr. Love

Nakipag-break, ngayon nagsisisi

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Si Donan ay 2 years kong boyfriend. Nung una ay mahal ko siya pero biglang nawala ang kilig ko sa kanya. Just call me Loida, 24 anyos.

Hindi ko alam kung bakit nanlamig na lang ako bigla sa kanya.

Pinanatili ko ang relasyon namin ng three months pa bago ko tuluyang tinapat at naki-pagkalas na ako.

Iniisip ko na baka magbalik ang damdamin ko sa kanya.

Mahal ako masyado ni Donan kaya nagdam-dam siya sa pakikipag-break ko sa kanya. Hindi naglaon ay pareho kaming nagkaroon ng bagong karelasyon.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Nang mabalitaan kong ikakasal na si Donan ay napaiyak ako at ilang gabi na akong hindi makatulog.

Pati ang bago kong boyfriend ay nagtataka dahil nanlamig ako sa kanya.

Dr. Love, na-realize ko na mahal ko pa rin si Donan. Pero papaano na?

Mayroon na siyang iba at ganun din ako.

Pagpayuhan mo po ako.

Loida

Dear Loida,

Too late dahil ikakasal na siya. Himala na lamang kung magkakaroon ng aberya at biglang hindi matuloy ang kanilang kasal ng kanyang kasintahan.

Pero kung hindi mangyari iyan, malabo nang magkabalikan pa kayo.

Wala na ‘yung katiyakan, lalo na kung matuloy ang kasal. Hindi na kita sisisihin pa pero harapin mo na lamang ang bunga ng iyong pagkakamali.

Maaaring nakakadama ka ng sakit ngayon, ngunit pasasaan ba at maglalaho rin iyan sa paglipas ng panahon.

Maging aral nawa ito sa iba. Bago gumawa ng desisyon sa ano mang bagay, pakatiyaking ‘yun na nga ang kagustuhan ng puso.

Huwag magpadalos-dalos para walang pagsisihan sa huli.

Dr. Love

DONAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with