^

Dr. Love

Inalok ng 20k para makipag-break

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Hindi ko matanggap ang suhol ng tatay ng gf ko para layuan ko siya. 20K ang halagang ibinibigay para hindi ko na raw lapitan ang kanilang anak. Ang hindi nila alam, ang anak nila ang unang lumapit sa’kin at ‘yun attracted na ako sa kanya.

Ito ang unang pagkakataon na nanligaw ako at hindi ako nabigo dahil naging girlfriend ko siya.  Mabait ang gf ko at talagang maganda. Marunong pang makisama, kaya paanong hindi mahuhulog ang loob ko sa kanya.

Nakaramdam lang ako ng sobrang panliliit nang makarating ako sa kanilang bahay, sobrang ganda at sobrang laki. A

nak pala siya ng isang businessman. Kaya sunod ang layaw.

Ang totoo, nakilala ko siya dahil sa pinsan ko na bff niya.

Makailang ulit na rin siya nakapunta sa lugar namin.  Imbes na ‘yung pinsan ko ang dapat hanapin niya, sinasabi niya sa mga kamag-anak ko na gf ko raw siya. Syempre itinatanggi ko pero pinipilit niyang bf niya ako.

Hanggang sa tinotoo ko ang mga biro niya.  Ilang buwan pa lang kaming mag-on, kinausap ako ng tatay niya na hiwalayan ko raw ang anak niya dahil marami pa siyang pangarap para rito. Kasunod nito ay inaabot na sa akin ang 20K basta hindi na raw ako magpapakita sa kanyang anak.

Ang tindi ng pakiramdam ko nun, Dr. Love…insultong malala. Pero sinikap ko pa rin makipag-usap ng maayos saka ako umalis ng kanilang bahay.

Dahil sa nangyari ay kinausap ko ang gf ko at sinabi na mabuti pa na huwag na naming ituloy ang relationship namin.

Andi

Dear Andi,

Hindi kita masisisi kung makaramdam ka ng insulto sa ginawa ng tatay ng gf mo sa’yo. Take it as a challenge, patunayan mo na hindi ang karangyaang meron ang gf mo ang pakay mo, kundi ang tapat na pagmamahal mo sa kanya.

Naniniwala ako na hindi man agad-agad o maraming pagsubok ang babalandra sa inyong relasyon, pero kung kapwa kayo magiging matatag ay makakamit ninyo ang kaligayahan.

Hindi nabibibli ng pera ang kaligayahang hatid ng pag-ibig. Hangad ko na maging maayos ang lahat sa pagitan ninyo ng gf mo.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with