^

Dr. Love

May maitim na lihim

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Halos 8 taon na kaming mag-asawa ng mister ko. Sa loob ng mga panahong iyan ay very proud ako sa kanya.

Siya ay CEO sa isang kompanya at napakaganda ng kanyang reputasyon sa mga empleyado niya. May ari siya ng kanyang tanggapan kaya wala siyang ibang boss.

Sa aming community, kilala siya bilang matulungin at lay minister pa sa aming parish church. Talagang maipagkakapuri siya ng sino man sa ganda ng kanyang pagkatao.

Pero bigla akong na-disappoint sa kanya dahil nalantad ang isa niyang maitim na lihim.

Ang mister ko ay isang negosyante. Dalawang beses sa isang buwan ay nagpupunta siya sa mga lalawigan na mayroong branch ang kanyang negosyo.

Buong-buong ang tiwala ko sa kanya hanggang may nakapagsabi sa akin na kasama niya palagi ang lalaki na kanyang chief of staff. Hindi sana ako dapat mag-alala dahil lalaki naman ang kasama niya.

Pero may nagsabi sa akin na bading ang mister ko at may relasyon sila ng lalaki na parati niyang kasama.

Ayaw kong maniwala pero may sex video ang kumalat na nagpapatunay na may relasyon sila.

Hinarap ko siya at sinumbatan. Nalaman na sa kanyang opisina, maging sa aming komunidad ang eskandalo at hindi niya ito mapasinungalingan.

Nagsisisi ang mister ko, sinisante na ang kanyang chief of staff at nangakong magbabago na.

The damage has been done at nawala na ang respeto ko sa kanya.

Alam kong nawala na rin ang tiwala ng mga dating huma-hanga sa kanya.

Ano ang gagawin ko?

Riz

Dear Riz,

Nakapanghihina-yang at nasira ang maganda niyang re-putasyon.

Ngunit siya ay asawa mo at obligasyon mong tulungan siyang makabangon. Unawain mo na lang siya na isa lang taong marupok at nagkakamali.

Lahat tayo ay nagkakasala bagaman at sa iba’t ibang paraan, pero ano man ang kasalanan, pinatatawad tayo ng Diyos.

In the same way, dapat din tayong magpatawaran.

Nagkamali siya sa ginawang pakikiapid sa kapwa niya lalaki at ngayon pinagbabayaran niya ito ng malaking halaga na higit pa sa salapi. Hindi ko tiyak kung magbabalik pa ang respeto  ng mga tao na dating humanga sa kanya.

Ang mahalaga ay nagsisi siya at na-ngakong magbabago.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with