^

Dr. Love

Mas sexy na katawan ang ireregalo

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Jopay. Tinutukso nila ako dahil ang laki raw ng balakang at tiyan ko. Para raw akong laging buntis na usli ang puwet. Kaya gusto kong magpapayat para naman matuwa ang mister ko. Dati naman sexy ako, syempre nagkakaedad kaya hayan, nagsilaki na lahat.

Hindi naman ako ganoon kataba, pero gusto ko maagapan pa ito. Baka maghanap ng mas sexy ang mister ko.

Kain kasi ako ng kain kaya ang resulta, overweight tuloy ako. Maraming mga online tips pero ang gusto ko sana ay galing sa inyo, baka pwede po ninyo akong tulungan, Dr. Love.

Para regalo ko sa birthday ng mister ngayon taon ay mas sumeksi ako.

Jopay

Dear Jopay,

Feeling mo ba hindi rin gusto ng mister mo ang pagiging chubby mo. Pero syempre sino ba namang lalaki ang hindi matutuwa na kahit nagkakaedad ang misis nila ay sexy pa rin.

Ang maipapayo ko sa’yo ay mag-less rice ka. Ang pagkain ng maraming rice ay nakapagpapataba.

Iwasan mo na rin ang maraming sugar tulad ng chocolate at softdrinks. Syempre kapag sinamahan mo pa ng exercise, naku! Lalong matutuwa ang mister mo.

Pwede ka namang makinig sa mga payo sa social media basta siguraduhin mo na legit at tama sa katawan mo ang gagawin mong pagda-diet. Tiyak na kada birthday niya lagi siyang happy.,

DR. LOVE

JOPAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with