^

Dr. Love

Pinayagan ang bf sa party ng ex

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Jeng. Tatanong ko lang po kung tama bang pinayagan ko ang bf ko na umatend sa birthday party ng ex niya.

Nagpaalam naman siya ng maayos. ‘Yun lang, saka ko na lang naisip na baka may mangyaring hindi ko magugustuhan.

Hindi ko masyadong kakilala ang ex niya. Pero ayon sa mga marites, mabait at maganda ang ex niya.

Ang totoo, ako ang nang agaw.

Hindi naman ganoon kabigat, kasi hindi ko naman alam na matagal na silang in relationship.

Sinunod ko pa rin ang gusto ko.

Ngayon ako itong nag-aalala sa bf ko. Pero minahal na rin naman ako ng bf ko dahil ramdam ko ang sweetness at pag-iingat niya sa akin.


‘Yung lang po…hindi kasi mawala sa akin ang pag-aalala, mahal na mahal ko na rin siya.

Jeng

Dear Jeng,

Naniniwala ka ba na hindi nadidiktahan ang puso? Marami kasi ang madaling madala sa tukso.

Dalawa lang ang dapat na naging desisyon mo, pinayagan mo ang bf mo pero kasama ka. O kaya naman hindi mo na siya pinayagang umatend para hindi ka nag-aalala.

Sabihin na nating mahal na mahal ka ng bf mo, pero hindi pa rin maiaalis na magkapro-blema kayo pagkatapos ng party.

Pero nasa bf mo  pa rin ang tunay kasagutan kung magiging matatag siya sa si-twasyon na katulad n’yan.

Dapat nga si bf mo na ang magkusang tumanggi sa invitation ng kanyang ex. Syempre sa maayos na paraan.

Ang mabuti, lagi kayo mag-usap at sabihin mo sa kanya na mahirap para sa iyo ang magkita pa rin sila ng ex niya.

Dr. Love

RELATIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with