^

Dr. Love

Maluhong girlfriend

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Ayong, 26 anyos at isa pang binata. Ang girlfriend ko si Sharmaine ay maganda at marami ang inggit sa akin. Hindi naman daw ako kaguwapuhan ay nagkaroon ako ng super gandang girlfriend.

Three years na kami. Hindi alam ng iba na may nakakayamot na ugali ang girlfriend ko. Masyado siyang materialistic.

Maganda naman ang trabaho ko bilang sales representative. Gusto ko sana ay makapag-impok at makapagtayo ng tahanan bago kami ikasal.

Ang kaso, lagi siyang nagpapabili sa akin ng mga branded na pabango, damit at accessories. Kapag kakain kami sa labas, laging fine dining ang gusto niya sa mga five star na mga hotel.

Kaya kong ibigay ang luho niya sa laki ng aking kinikita. Kaso napapaisip ako. Siya kaya ay magiging mabuting asawa kapag kasal na kami?

Baka dahil sa luho niya ay hindi kami makapagpundar ng magandang bukas para sa aking mga anak.

Iniisip kong hiwalayan siya. Kaso nangi-ngibabaw sa akin ang aking pagmamahal sa kanya. Ano ang gagawin ko?

Sana ay matulungan mo ako sa pagpapasya.

Ayong

Dear Ayong,

Sa palagay ko, pinapahalagahan mo lang ang super na kagandahan ng girlfriend mo. Mag-isip-isip ka.

Sa pag-aasawa, hindi lang sarili ang dapat isipin kundi ang kinabukasan ng mga magi-ging anak.

Ang final decision ay nasa sa iyo Ayong. Pero bibigyan lang kita ng mga posibleng senaryo kung magkakatuluyan kayo.

Una, pwede naman siyang magbago. Pero kung aasa ka sa kanyang pagbabago, maaaring ito ay hindi mangyari at baka malubha pa.

Pangalawa, kapag magkatuluyan kayo at hindi siya magbago ng ugali, posibleng magkawindangwindang ang inyong kabuhayan at madadamay ang inyong mga magiging anak.

Kausapin mo siya at pagpayuhan na magbago ng ugali para sa inyong kinabukasan.

Kapag hindi siya nagbago, nasa sa iyo ang huling pagpapasya.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with