^

Dr. Love

Nai-in love na sa inaayawang manliligaw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nung dalaga pa ako ayaw ko sa lalaking mayabang. Kaya naman nang magdalaga ay talagang turn off agad ang manliligaw na bagyo ang pagka-presyo sa sarili.

Hanggang sa nakilala ko si Ramil, nuknukan ng angas mula sa porma at pagsasalita, kairita po talaga!

Hindi lang isa, dalawa, tatlo ko siyang bi-nasted pero ang tigas ng face…nasa pagtitiyaga raw ang nilaga. Kaya hindi siya nawawalan ng pag-asa, wala pa naman daw akong boyfriend.

Dr. Love sa kakaganon niya, walang patid na panunuyo, pagpapadala ng bulaklak, mga sweet messages at surprises, kahit ang parents ko napalapit na sa kanya. Mukhang kakainin ko ang sarili kong salita dahil sa pakiramdam ko ay nahuhulog na ang loob ko sa kanya.

Nito lang nakaraan ang malaki niyang pasabog, nangharana ba naman at grabe po, ang ganda pala ng boses niya. Para tuloy decided na ko, na ibigay sa kanya ang aking “oo”.

Pagpayuhan po ninyo ako, natatakot din akong magsisi. Hindi kaya ginayuma niya lang ako at biglang nag-iba ang hugis ng puso ko para sa kanya?

Jeng

Dear Jeng,

Kung hindi ka nakakatiyak sa feelings mo para sa kanya, huwag ka muna magpasiya. Take a little more time para kilalanin pa siya ng mabuti. Makakatulong kung may makakasa-lamuha kang common friend ninyo na makakapagkwento sa’yo ng kanyang pagkatao.

Magandang chance din na kung may okasyon sa kanilang family ay makihalubilo ka, para makita mo kung paano siya kumilos at magsalita sa loob ng kanilang bahay, mga ganon bagay. If ever na hindi magbago ang nararamdaman mong kilig sa kanya, siguro that affirms na talagang type mo na siya.

Kung sasagutin mo naman siya, hindi naman ibig sabihin kayo na talaga ang meant forever. Dahil sa pakikipagrelasyon, you have a more chance of knowing your partner and see kung talagang tapat ang pagmamahal niya sa’yo. Malalaman mo rin kung husband material ba siya para sa future family na gusto mai-stablish. Paalala ko lang na you should be mindful of your bounderies kung maging kayo na.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with