^

Dr. Love

Napabayaan ang sarili

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Jergen. Isa akong matandang bading.

Ganito pala ang buhay matapos kong matulungan ang iba. Sarili ko naman ang aking napabayaan.

Binuhay ko ang mga kapatid ko sa pagsali-sali sa mga gay pagent at mga singing contest. Alam kong maganda ako at isa lang ang pinagkait sa akin, ang katawan ng isang babae. Kaya ginawa ko ang lahat para maging pang universe ang beauty ko.

Marami akong nakarelasyon, minsan mga kamag-anak ng kilalang pulitiko at artista.  Nahumaling ako sa ganda ng kinikita ko noon.

Halos araw-araw may modeling events ako at nai-invite pa kami sa malalayong lugar.  Nagpapasalamat ako dahil nakatulong ako sa pag-aaral ng mga kapatid ko.

Kahit si itay ay ayaw akong magladlad pero bilid ako sa kanya dahil hindi niya ako iniwanan at hindi niya ako itinakwil, bagkus siya pa ang tumulong sa akin upang magkaroon ng magandang career.

Ayokong manumbat sa mga naging bf ko dahil pera lang ang habol ng iba. Masakit man sabihin, ‘yan ang tunay kong karanasan.

Ngayong matanda na ako, wala akong katuwang sa buhay at hindi ko alam kung sino ang mag-aalaga sa akin tulad ng pag-aalagang ginawa ko sa aming ama’t ina.

Nakakalungkot lang dahil minsan binubuhos ko ang pagmamahal ko, pero sa huli ako pa rin ay mag-isa sa buhay.

Jergen

Dear Jergen,

Alam mo maraming nakaka-relate sa iyo.

Maging bakla, tomboy o kahit na lalaki at babae.

Sa relasyon napa-kahalaga ng pagmamalasakit ng taong nagmamahal sa iyo. Nakakalungkot talaga na minsan nagmamahal ka, tumulong at sa huli iiwanan ka rin.

Kung tunay nating mahal ang isang tao, hindi tayo nakatuon lamang sa kung ano ang maibibigay niya sa atin.

Bagamat napakahalaga nito. Ngunit mas higit nating bigyan ng pansin ang taong nagmamahal sa atin.

Sila ang kaloob sa atin ng Maykapal bilang regalo na dapat ingatan at alagaan.

DR. LOVE

JERGEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with