^

Dr. Love

Nanghihinayang

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Vinz. Isa akong nurse. Pangatlong taon ko na ito sa ospital na pinapasukan ko. Syempre mara-ming mga limitations sa amin as professional. Limitado lamang ang aming pakikitungo sa aming mga pasyente.

Na-assign na ako sa OR at sa emergency ward. Grabe, ramdam ko ang hapis at bigat ng damdamin ng pamilya ng mga may sakit, lalo na kapag binawian na ng buhay.

Natutulala at napapabuntong hininga na lamang sila kapag tinatakpan na ng kumot na puti ang kanilang mahal sa buhay.

Noong una, parang ayoko ng propesyon ko bilang nurse dahil sa napakabigat ng nakaatang sa amin.

Hanggang sa nalipat nga ako sa psychiatric ward. Dito iba naman ang kanilang problema. Wala nga silang sugat sa katawan pero sugat-sugat naman ang kanilang kalooban.

Dito ko nakilala ang isang pasyente na tawagin na lamang nating Ms. X. Kung titingnan mo siya, parang wala naman siyang problema sa buhay. Maputi at makinis ang kanyang balat, actually maganda siya. Nagkaroon siya ng nervous breakdown nang malaman niyang pinagtaksilan siya ng bf niya.

Simula nun hindi na siya naka-recover, kaya narito siya sa ospital para sa kanyang healing process. Sayang nga, sana ako na lang ang naging bf niya para hindi siya nabigo.

Vinz

Dear Vinz,

Alam mo maraming ganyan sa ating lipunan. Akala mo matino ang pag-iisip pero mabigat pala ang dinadala sa kanilang kalooban. Kaya talagang dapat maingat tayo sa ating pakikitungo sa iba. Hindi natin alam ang kanilang pinagdaraanan. Lalo silang lumalala kung lagi silang ginagalit, binu-bully at pinakikitaan ng hindi maganda.

Tayo ang dapat mag-adjust sa kanila. Talagang nakakaawa ang kanilang kalagayan. Kung ang isang mahirap ay pinagkaitan ng kayamanan, sila nama’y pinagkaitan ng kaligayahan.

Kaya kung makikipagrelasyon tayo sa iba, alalahanin natin ang bawat isa ay deserving sa tapat na pagmamahal.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user