^

Dr. Love

Mataas ang pangarap

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang mainit na pagbati ang gusto kong ipaabot sa iyo at sa marami mong tagasubaybay.

Ako po si Mildred, 32 anyos at may asawa. Laki po ako sa hirap. Ang tatay ko ay isang magsasaka at ang nanay ko ay walang trabaho kundi tumulong sa mga gawain ni tatay sa bukid.

Second year high school lang ang tinapos ko dahil kailangan kong tumulong sa pagtitinda sa palengke sa mga inaning gulay ni tatay. Mataas ang aking pangarap, kasama na rito ang makapangasawa ng mayaman para mahango kami sa kahirapan. Lahat ng manliligaw ko ay basted agad dahil hindi nakaabot sa aking pamantayan.

Pero nabigo ako sa kahihintay sa lalaking gusto kong mapangasawa. Walang mayamang nanligaw sa akin. Kaya tinanggap ko na ang isang manliligaw na katulad kong mahirap. Sa una ay maligaya ang aming pagsasama. Pero ‘di nagtagal, siya pala ay batugan at palamunin.

Meron na kaming sariling kubo at ang ginawa ko ay ang pagtatanim ng mga gulay at pag-aalaga ng manok para kami ay mabuhay. Ang masama, nagbisyo pa ng alak at sugal ang asawa ko.

Puwede ko ba siyang hiwalayan?

Mildred

Dear Mildred,

Kung hindi kayo kasal ay madali mo siyang mahihiwalayan. Pero kung kasal na kayo, kahit sa simbahan o huwes, may kahirapan iyan. Magastos ang annulment. Sa kalagayan ng inyong kabuhayan ay malamang hindi mo makayanan ang kahit man lang dalawandaang libong piso para malusaw ang inyong kasal.

Kung may pera kang gagastusin, ma-bigat na dahilan ang pagkabatugan para ma-annul ang inyong kasal. Maituturing iyan na pagiging iresponsableng lalaki na dapat siyang bumubuhay sa pamilya.

Ngunit kung hindi naman kayo kasal at nagsasama lang, mabuti ngang maghiwalay na kayo. Hindi mo nabanggit kung mayroon na kayong anak. Sa ganang akin, mas mabuti kung wala dahil sa ganyang klase ng ama, ang anak ang magdurusa.

Dr. Love

HIGH SCHOOL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user