^

Dr. Love

Painter na naging lover

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Dex, kwento ko lang ang love story namin ni misis. Pareho kaming mahilig magpinta. Graduate ako sa isang kilalang unibersidad dito sa Pilipinas.

Ang unang encounter ko sa kanya ay nang magbigay ako ng painting workshop sa isang grupo ng mga artist.

Ewan ko, parang napipikon na nga ako sa kanya noon dahil sa rami niyang tanong kahit related naman lahat sa art.

Kaya madali ko siyang na-notice at nakuha niya ang atensyon ko. After ng three day workshop namin, naging madalas na ang aming communication.

Kunwari hindi ko pa siya pinapansin noon kapag personal na ang pinag-uusapan namin. Madalas din kaming sumali sa mga contest at exhibits.

Nagyabang siya kasi siya ang nanalong first place sa competition. Birit pa niya na natalo raw niya ang kanyang mentor.

Bagamat nagkahiwalay kami ng landas dahil kailangan niyang alagaan ang kanyang lola sa probinsiya nila sa Pangasinan, hindi ako nag-aksaya ng panahon para puntahan siya at sabihin ang aking pakay na ligawan siya.

Hayun, the rest is history. Limang taon niya akong pinahirapan at pinaasa. Sa simbahan din ang tuloy. Mabuti na lang, nagtagumpay ako.

Ngayon magkasama pa rin kaming nag-e-enjoy sa mga paintings namin.  At marami pa kaming pangarap na makatulong sa mga kabataan ngayon.

Dex

Dear Dex,

Good for both of you. Kasi madalas ang tingin natin sa mga artist, mga moody at emo. Ayaw makisalamuha sa mga tao at may sariling mundo.

Pero ang totoo, masayahin at mga kalog ang mga artist. Tulad ninyong dalawa, marami pa sanang maging katulad ninyo na inspirasyon para sa mga kabataan. Para magkaroon sila ng mas makabuluhang buhay, ‘yung hindi lamang puro computer at gadgets ang hawak.

Mas maganda ‘yung tulad ninyo, ‘yung panay brush at canvas pinagkakaabalahan.

Goodluck sa mga raket ninyo. More power!

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user