^

Dr. Love

Bibigyan ba ng ‘One more chance’?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Dalawang taon din kaming nagsama ng live-in partner kong si Edmund. Mabait siya pero napakaseloso. Isa ang naging anak namin, lalaki na ngayo’y isang taong gulang na. Kahit hindi kami kasal, naging tapat at uliran ako sa kanya.

Sa kabila nito, nauwi sa hiwalayan ang aming relasyon. Natuldukan dahil sa paninira na pinaniwalaan niya. Mas nakinig siya sa fake news na may lalaki ako. Isinusumpa ko na ginawa ko ang aking tungkulin bilang tapat na maybahay at ina ng aming anak.

Kahit ano ang paliwanag ko ay ayaw niyang pakinggan. Nagbalot siya ng damit at nilayasan kaming mag -ina. Isang taon na siyang wala. Napilitan akong mamasukan para matugunan ang  pangangailangan naming mag-ina.

Iniiwanan ko sa pinsan ko ang aking anak kapag papasok ako sa trabaho. Lumipas pa ang ilang araw, nagulat na lang ako nang sumulpot ang aking asawa.

Humihingi siya ng tawad at kinikilala ang kanyang pagkakamali. Nangako siyang hindi na magseselos ng walang katuturan. Sabi ko, pag-iisipan ko muna ito. Sa palagay mo, dapat ko pa siyang patawarin?

Becks

Dear Becks,

Para sa chance na mabuo ang inyong pamilya, bigyan mo siya ng one more chance. Patawarin mo siya, pero bigyang-diin mo na dapat magpakatino na siya. Kapag maayos na ang lahat sa pagitan ninyo, gawn n’yo ng legal ang inyong pagsasama. Magpakasal kayo para hindi rin lumaking illegitimate ang inyong anak.

Tandaan inyo ang gulo sa pagitan ng mag-asawa, ang anak ang pinaka-apektado.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with