^

Dr. Love

Pinipigilan magmotor ng biyenan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Stevens. Lagi kaming sinasabihan ng biyenan ko na bumili na raw ako ng kahit maliit na kotse.

Delikado raw motor, na lagi naming gamit ng pamilya ko. Kahit noong binata pa ako mahilig na ako sa magmotor.

Totoo naman na maraming beses na akong sumemplang at naaksidente sa motor. Mabuti nga, wala akong angkas.

Nagustuhan ako ng misis ko dahil pareho kaming mahilig sa motor. Hindi siya marunong mag-drive pero mahilig siyang manood ng mga motor exhibits.

Gustong gusto niya ang una kong na-modify na motor. Nanliligaw pa ako noon sa kanya.

Pero away na ayaw ng biyenan kong nakikita kaming aalis ng bahay na nakamotor. Natatakot daw siya na baka raw kung anong mangyari sa amin. Lalo na kapag sinasama namin ang aming anak na babae.

Gusto ko rin pakinggan siya, kaso mas mahal ang gasolina ng kotse kaysa sa motor. Kulang ang isang libo isang araw na pang-gasolina kung sa pang araw-araw na gamit.

Saka mahal din ang maintenance ng kotse.

Talagang nag-ii-ngat naman ako lalo na kapag angkas ko ang aking mag-ina.

Stevens

Dear Stevens,

Hindi mo masisisi ang biyenan mo. Ikaw na nga ang nagsabi na delikado talaga ang magmotor.

Pero depende pa rin ito sa pagmamaneho mo. Kahit kotse naman ang gamit pero kaskasero ka rin, eh aksidente pa rin ang kahihinatnan mo.

Mas makakatipid ka talaga sa motor.

Basta lagi kang mag-iingat. Mahal talaga ang gasolina ngayon.

Kung pwede na nga lang maglakad sa pupuntahan mo, mas mainam.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with