^

Dr. Love

Umibig sa utol ng jowa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magkaklase kami sa senior high ni Estrella at naging kami bago pa mag-pandemic more than a year ago.  Kahit halos dalawang taon na kaming mag-on, hindi pa ako nakapunta sa kanila at hindi ko pa nakikilala ang kanyang mga magulang.

Nang alisin ang lockdown, doon pa lang ako nakadalaw sa kanila. Ipinakilala niya ako sa kanyang mga magulang, kapatid na lalaki at babae na mas matanda sa kanya ng dalawang taon.

Maganda ang kapatid na dalaga ni Estrella. Higit na maganda at mas sexy sa kanya. Madalas, kami ay nagkukuwentuhan sa bahay habang si Estrella ay naghahanda ng pagkain. Hindi lang panlabas ang maganda sa kapatid niya kundi pati ugali.

Dr. Love, humanga ako sa kanya. Ang paghanga ay napalitan ng pag-ibig. Hindi ko napigilan ang aking sarili at sinabi ko sa kanya ang aking nararamdaman. Noon ay may binili sa isang convenient store si Estrella at kaming dalawa lang sa bahay.

Tinitigan ako ng matalim at may galit ng kanyang kapatid. Sinabing wala akong kuwentang lalaki at kailan man ay hindi niya papayagang magpatuloy ang relasyon namin ni Estrella. Mula noon ay hindi na ako inistima ng kapatid ni Estrella.

Akala ko ay maga-galit sa aking style si Estrella.

Hindi naman pala sinabi ng kanyang kapatid sa kanya ang ginawa kong pagdiga.

Pero nakukonsiyensa ako. Ano ang dapat kong gawin?

Elpido

Dear Elpidio,

Una sa lahat, humi-ngi ka ng paumanhin sa kapatid ng iyong kasintahan. Sabihin mong humanga ka lang sa kanya kaya mo nagawang digahan siya pero tapat ang pag-ibig mo sa kanyang kapatid.

Kung hindi pa nalaman ni Estrella ang pangyayari, maganda ring ipagtapat mo ito sa kanya at sabihin mong ito’y bunsod lamang ng malaking paghanga mo sa kanyang kapatid. Mag-sorry ka sa kanilang dalawa.

Marahil naman ay kapwa ka nila mauunawaan, puwedeng mangyari kahit kaninong lalaki ang nangyari sa iyo. Ang importante ay kinikilala mo ang iyong mali at marunong kang humi-ngi ng tawad.

Dr. Love

DR.LOVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user