‘Tibo magnet’

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang po ninyo akong Princess. Hindi ko alam kung bakit lapitin ako ng lesbian. Maganda naman ako at mabait din naman sa mga lalaki.  Simula nang mag-bf ako ng lesbian, parang naging aloof na ang mga guys sa’kin. Mukha kasing matapang ang lesbian na naging bf ko. Mas malaki pa ang katawan sa ordinaryong tikas ng isang lalaki.  Mas mabilis lang talaga akong na-develop sa kanya.

Tawagin na lamang nating Tom ang unang naging bf ko na lesbian. Umabot kami ng almost five years. Sweet siya at bigay lahat ng luho ko.

Ang gusto ko sa kanya, hindi siya natakot humarap sa magulang ko. Kahit sinabihan ko na siya na ayaw nila na lesbian ang karelasyon ko. Nakuha niya ang kiliti nila. Ewan, naaalala ko tuloy ang mga magagandang moments namin.

Nagkalabuan kami nang makilala ko ang trainor sa isang marketing seminar namin, isa ring lesbian. Kamukhang kamukha siya ng bf kong si Tom. Pero mas sakalam ang dating.

Marami siyang mga itinuro sa akin para maging mas maganda ang takbo ng career ko. Mas kumportable ako sa kanya dahil sa porma at kalidad ng career niya.

Advertising
Scroll to continue

Nabaling ang pagtingin ko kay Trainor, nawala na sa isip ko si Tom. Simula noon nanlamig na ako sa aming relasyon.

Ang naging problema ko, sabay silang bumisita sa bahay namin. Inaway ni Tom si Trainor. Nainis sa akin ang papa ko. Sinabihan niya ako na sa rami ng lalaki, bakit lesbian pa ang nag-aagawan sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang paalisin si Tom at sumama ako kay Trainor.

Princess

Dear  Princess,

Nasa sa iyo kung sinong partner ang talagang nararapat sa iyo. Ayaw man ng mga parents mo ay wala silang magagawa kung magaan ang pakiramdam mo sa lesbian.

Try mo rin mag-entertain ng guy kung hindi pa naman going to stable ang relationship ninyo.  Para makumpara mo kung saan ka talagang masaya. 

No one can dictate kung sino ang talagang para sa iyo.

DR. LOVE

 

 

Show comments