^

Dr. Love

Practice game,  pero kasama ibang girl

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Mae. Minsan relationship made to be broken.

Ang ayoko kasi ‘yung sinungaling. Hinaha-yaan ko na siya na makipagbasketball tuwing uwian nila galing sa trabaho.

Pero sa nagyari sa amin, hindi ko alam kung dapat kong sisisihin ang sarili kasi pinapayagan ko ang bf ko na mag-enjoy na hindi ako kasama.

Panay ang dahilan niya kapag nale-late pumunta ng bahay namin, nagkapustahan sila kaya hindi siya nakaalis agad sa game nila.

Minsan may practice game para raw sa isang paliga. Hindi ko na matiis kaya isang beses hindi ko sinabi na pupuntahan ko siya sa gym.

Ang akala ko magugulantang siya. Pero kabaliktaran ang nangyari, ako ang sobrang nasurpresa. Akalain mo ba na wala siya sa game.

Ayaw pang sabihin ng barkada niya kung saan siya. ‘Yun pala nasa katabing fastfood siya kumain na kasama ang isang magandang babae.

At ang sweet ha!. Hindi ko na sila ginambala. Hindi niya alam na kitang kitang ko ang kalokohan niya.

He tried to talk to me. Pero I decided na tapusin na ang dapat tapusin. Hayun syempre masakit para sa akin.

Magiging maluwag ako sa bf mo pero hindi ka pala niya seseryosohin.

Still he is trying to build our relationship again. Kaso nadala na ako.

Ayoko na lang isipin na pare-pareho ang mga lalaki, mga sinungaling.

Mae

Dear Mae,

Hindi naman lahat ng lalaki ay sinunga-ling. Nagkataon lang na nahuli mo sila. Bakit hindi mo muna inalam ang lahat.

Mas masakit kasi kung wala kang paliwanag na naririnig at kung ano talaga ang isyu ninyo.

Pero sa kabilang banda, tama naman kung nakuha niyang magsinungaling, mainam na nalaman mo agad kaysa magkabukuhan kayo kapag mag-asawa na.

Pwede naman magpatawad, pero kung talagang mahal ka ng isang lalaki bilang pagpapahalaga niya sa inyong relationship, dapat lang na hindi niya sisirain ang inyong tiwala sa isa’t isa.

DR. LOVE

MAE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with