^

Dr. Love

‘Di magkasundo sa biniling bahay

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Camille. Nakabili nga kami ng bahay ng mister ko kaso ang layo. Kung magta-travel kami araw-araw, mahihirapan kami kung doon pa mangagaling sa San Jose del Monte a. Lagpas ng Novaliches. Kahit naman may sasakyan matatrapik din kami lalo ngayon hindi na ‘di na gaano problema ang pandemic. Gusto ko sanang ibenta na lang para sa Manila kami kumuha ng ibang unit. Sayang lang kasi, house and lot at mura lang ang bili namin dahil sa kamag-anak niyang nag-abroad nakuha.

Ayaw naman ng mister ko ibenta. Napapabayaan tuloy, lalo na kapag nag-stay kami ng 1 week sa bahay ng biyenan ko.

Paupahan ko sana pero ayaw din ng mister ko. Baka lalo lang daw mababoy. Hindi kami magkasundo.

Ang gusto ko lang naman ay mapayapa kaming makauwi sa sarili naming bahay. Ewan ko naiirita lang ako, siguro dahil nga may sarili naman kami pero nakikitira pa rin kami.

Ayaw naman niyang patirahin ang mga kamag-anak niya roon baka raw masanay hindi na umalis.

Camille

Dear Camille,

Konting tiis lang muna. Every weekend pwede naman kayong umuwi sa inyo.

Huwag maging padalos-dalos, wala rin naman magandang kahihinatnan kung iiral ang pagkairita mo.

Baka lalo lang kayong hindi magkaintindihan ng mister mo. Kung minsan makakatulong na tyempuhan mo na pareho kayong relax ang mood, saka mo siya lambingin at i-open ang tungkol sa mga plano mo sa inyong bahay.

Gawin mo ito ng mahinahon at sikapin na maipaliwanag sa kanya ang dahilan mo. Kung magagawa mo ng tama, natitiak ko na magkakaintindihan kayo.

Pero dahil para pa kayong naggigiriin tungkol sa mga gusto at hindi ninyo gusto para sa inyong bahay, ok na muna pagbigyan mo siya.

Mainam na may natutuluyan kayo na ligtas at komportable. Isipin mo na lang na isang investment ang nabili ninyo. Kaya sayang nga naman kung ibebenta. Pwede rin preparation ito para sa  future ng inyong magiging anak.

Hangad ko ang pagkakasundo ninyong mag-asawa para maisagawa ang pinakamainam para sa inyong bahay.

DR. LOVE

HOUSE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with