^

Dr. Love

Mr. Bad Boy

Pilipino Star Ngayon

Mula sa pagka-teenager ay pormang Robin Padilla na ako. Dahil dito, pinanindigan ko ang pagiging “bad boy” na siyang bansag noon sa idol kong si Robin.

Nakilala akong siga-siga sa lugar namin at walang araw na hindi ako nasasangkot sa trouble. Playboy rin ako at paiba-iba ng girlfriend.

Pero anim na taon na ang nakalilipas at nagbago na ako.

Mayroon na rin akong maayos na trabaho pero wala pang girlfriend dahil naipangako ko sa sarili na liligawan ko lang ang babaeng mahal ko at pakakasalan ko.

Sa edad ko na 25 anyos, mature na ang isip ko at pinagsisisihan ko ang mga kalokohan ko nung bata pa ako.

May nililigawan ako sa aming lugar. Matagal na namin siyang kapitbahay pero ngayon ko lang nakilala at napansin. Niligawan ko siya dahil alam ko na siya ang babaeng gusto kong mapangasawa.

Kaso, taken na siya at sabi niya kahit wala pa siyang boyfriend ay hindi siya papatol sa katulad kong bad boy ang imahe.

Pursigido akong manligaw sa kanya. Paano ko siya makukumbinsing nagbago na ako?

Alias Robin

Dear Alias Robin,

May kasintahan na pala siya at kahit mapatunayan mo na nagbago ka na, baka hindi mo pa rin siya mapasagot ng “oo” lalo pa’t mahal niya ang kanyang kasintahan.

Tutal wala pa siyang asawa, kaya puwede mo pa siyang ligawan.

Pero kung nakatakda na siyang ikasal, ibang usapan iyan. Humanap ka na lang ng ibang iibigin.

Huwag mo nang tangkaing agawin ang babaeng nakasanla na ang puso sa iba.

Ang pag-big ay hindi dapat idaan sa pilitan o karahasan. Kung sa kabila ng iyong panunuyo ay hindi ka niya makuhang ibigin, igalang mo ang kanyang damdamin at humanap ng iba.

Dr. Love

ROBIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with