_ngayon
^

Dr. Love

Paano maibabalik ang pag-Ibig?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

May kasabihan na “True love never dies.” Hindi pala totoo ito. Kapag inabuso ka ng minamahal mo at sinaktan nang labis-labis, ang matibay mang pagmamahal ay nawawala. Tawagin mo na lang akong Emilia, 41 anyos.

Kaya ko pinakasalan ang asawa ko, kahit tutol ang aking mga magulang ay dahil mahal na mahal ko siya. Pero nang maikasal kami, tatlong taon akong nagtiis sa kanyang pagmamalabis. Hindi man niya ako sinasaktan ng pisikal, durog na durog ang aking puso sa ginagawa niyang pambababoy sa aming relasyon.

Hindi lang siya babaero, kundi dinadala pa sa aming tahanan ang kanyang mga babae. Halos gabi-gabi ay iba-iba ang babaeng karay-karay niya sa bahay at sa mismo silid namin sila naglalaro ng apoy. Una ay nagtiis ako.

Katagalan ay tuluyan na akong nawalan ng amor sa aking asawa, pero nagtiis pa rin akong pakisamahan siya. Dahil tapos naman ako ng kursong marketing, nagtrabaho ako sa isang malaking kompanya at sa awa ng Diyos ay umasenso.

Siguro, nakarma siya sa mga kalokohang ginagawa niya. Dumanas siya ng stroke at na-ICU. Ako ang gumastos sa pagpapagamot niya na umabot ng limang milyong piso. Ngayon ay dalawang taon na siyang buhay na patay dahil isa na siyang paralitiko.

Kahit galit ako sa kanya, ginagampanan ko pa rin ang tungkulin ko bilang asawa. Kahit kahabaghabag ang kalagayan niya, pagkasuklam pa rin ang naghahari sa puso ko. Gusto kong mahalin siya nang totoo pero tumatanggi ang puso ko. Pagpayuhan mo ako, Dr. Love.

Emilia

Dear Emilia,

Kung may takot at pananalig ka sa Maykapal, magagawa mo na mahalin at patawarin ang iyong asawa. Pinagbayad na siya ng Diyos sa mga pagkakasala niya, kaya tungkulin mong bigyan siya ng tauspusong kapatawaran.

Totoo na mahirap gawin, lalo pa sa taong labis na umapi sa iyo. Ngunit hindi iyan imposible. Ang pagpapatawad at pagmamahal ay desisyon ng puso na ginagawa ng tao dahil mahal niya at iginagalang ang Diyos.

Maaaring tumututol ang iyong puso pero ituloy mo lang at itanim sa isip mo na ginagawa mo ito bilang anak ng Diyos. Kung tunay kang anak ng Diyos, gagawin mo rin ang ginawa niya sa mga makasalanang humingi ng tawad sa kanya.

Dr. Love

 

 

 

LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with