^

Dr. Love

Manyakis ang bayaw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sana ay nasa mabuti kang kalagayan sa pagtanggap mo sa aking liham. Tawagin mo na lang akong Wilhelmina,  32 anyos at dalaga pa.

Wala akong hilig makipagligawan kaya siguro single pa rin ako. May live-in partner ang aking younger sister. Matigas ang ubo ng aking kapatid at hindi ko mabawalan sa lahat ng gusto niya.

Iresponsable ang lalaki, walang trabaho at sa amin pa sila nakatira. Wala akong magawa dahil ang younger sister ko ang nagtatrabaho at ako ay sa bahay lang.

Nalaman kong manyakis ang bayaw ko.  Sa maraming pagkakataon, napapansin ko na habang naglilinis ako ng bahay, nakatitig siya sa akin at nakapamulsa pero halatang hawak ang kanyang pagkalalaki. Sinumbong ko na siya sa bunso kong kapatid pero ang sabi’y magpasensya na lang ako.

Pero hindi na ako nakatiis nang minsan namalengke ang kapatid ko at tinanong ako ng bayaw ko kung bakit ‘di pa ako nag-aasawa. Masarap daw ang makipagromansa at kung ano-anong kabastusan ang pinagsasabi.

Dedma lang ako pero kumapit siya sa akin at inakbayan ako at akmang hahalikan.

Hinataw ko siya ng hawak kong plorera at nagdugo ang uno niya.  Kahit nakatatanda ako, hindi ko sila maitaboy dahil ang kapatid ko ang bread winner. Ano ang gagawin ko?

Wilhelmina

Dear Wilhelminda,

Igiit mo ang pagkapanganay mo. Hindi naman niya asawa ang kinakasama niya, kaya kung tutuusin walang karapatan ang lalaki na makipisan sa inyong tahanan.

Mukhang nahihihibang na ang kapatid mo sa pagkampi sa lalaking iyan. Kung palamunin lang ang lalaki at bastos pa, palayasin mo. Mas mabuti kung mai-report mo siya sa awtoridad at idemanda ng attempted rape o act of lasciviousness.

Nanganganib ka kapag nanatiling nakatira sa bahay ninyo ang lalaki na matindi ang pagnanasa sa iyo. Ang nangyaring insidente ay i-report mo agad para mapigilan ang ano mang masamang tangka niya sa iyo.

Dr. Love

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with