_ngayon
^

Dr. Love

Dahil sa isang halik

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang ako sa alias na Rowel, 18 years old at nasa senior high. Maganda ang standing ko sa paaralang pinapasukan ko, at kahit wala pang face-to-face na pag-aaral ay mataas pa rin mga grades ko.

Hindi ko kasi iniintindi masyado ang barkada at ang pakikipag-siyota. Pero hindi ko rin akalaing titibok bigla ang puso ko sa tawag ng pag-ibig.

Minsan, isinama ni kuya ang magandang gf niya at ipinakilala sa amin. Isa-isa niya kaming bineso-beso. Nang halikan niya ako sa pisngi ay parang umakyat sa mukha ko ang aking dugo. Iba ang na-ging pakiramdam ko at mula noon, kahit alam kong mali dahil taken na siya ng utol ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko na pagpantasyahan siya. Sinisikap ko namang magtimpi pero hindi ko magawa.

Kasalanan po ba ito? Ano ang dapat kong gawin?

Rowel

Dear Rowel,

Normal sa mga teenager na gaya mo ang ganyang damdamin. Pero isipan mo na kahit sa imahinasyon mo lang ay nagiging taksil ka sa iyong kuya.

Hindi pag-ibig ang nararamdaman mo kundi libog lang na dapat supilin. Tanong mo, kasalanan ba ito? Oo. Kasalanan iyan sa iyong sarili dahil pinagnanasaan mo ang hindi mo asawa o girlfriend.

Hindi lang naman ikaw ang hinagkan niya kundi pati ang inyong mga magulang. Walang malisya, wika nga. Kaya baguhin mo ang takbo ng iyong isipan baka sa kapapantasya mo ay mapabayaan mo pati ang iyong pag-aaral.

Dr. Love

 

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with