_ngayon
^

Dr. Love

Isip-bata

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong John Pol. Feeling ko hindi ako talaga mahal ng girlfriend ko. Parang nababaitan lang siya sa akin kaya niya ako sinagot.

Ni hindi niya ako ipinakikilala sa mga magulang niya. Ewan ko, baka pakiramdam ko lang ito. Hindi ko naman masabi sa kanya, baka hindi maging maganda ang dating.

Ewan ko, nakapa-childish niya. Parang gusto niya lagi kasiyahan. Nagagalit siya kapag hindi ko naibibigay ang gusto niya. Nagpabili siya ng relo, ng bag at kung anu-ano pa.

Ni minsan hindi ko inisip na awayin siya. Parang nauuna sa akin ang takot na magkahiwalay kami. Kaya sinusunod ko kung ano ang gusto niya, kahit alam kong mali na siya.

Kapag nagpapa-deliver siya at magpapa-pick up ng gusto niyang pagkain, ako na ang gumagawa.

May nagsasabi na sa akin na huwag ko siyang masyadong beybihin. Masama po ba ang sobrang maingat lalo na sa relasyon? Ilang beses na rin kasi akong nare-reject ng mga nililigawan ko. Siya lang ang nag-iisang nagtiyaga sa akin. Kaya ayaw kong masaktan ko siya o mag pag-awayan kami.

Tama lang po ba ang ginagawa ko?

John Pol

Dear John Pol,

Kung sa tingin mo ay hindi ka masaya sa inyong relationship, mas mainam na alam ng gf mo. Para hindi siya aasang magagawa mo pa rin ang lahat para sa kanya.

Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Hindi maganda na lagi mong itatago ang iyong pag-aagam-agam.

Kausapin mo siya ng masinsinan para mailabas mong lahat ng iyong gustong sabihin.

Hindi magiging healthy ang relationship ninyo kung lagi kayong ganyan. Ikaw ang laging nag-a-adjust. Sabi mo nga na nakapa-childish niya, kaya mas kailangan niya ang isang mature na tao. Hindi lamang kung sino ang mas matanda sa inyo, kundi kung sino ang mas marunong o maalam sa mga bagay-bagay at marunong magdesisyon.

Huwag kang padala sa mga naiisip mong hindi maganda, this is your chance para maiayos ang inyong relationship at mapatunayan na hindi ka rin tulad niya na parang bata mag-isip.

DR. LOVE

LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with