_ngayon
^

Dr. Love

Malakas humilik si Misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love

Kung si Sleeping Beauty ay ginising ng isang halik, ako naman ay laging ginigising ng malakas na hilik. Ang suliranin ko ay ang aking misis na napakalakas humilik. Hindi po siya dating ganyan.Nagsimula ang kanyang paghilik nang isilang ang aming pangatlong anak.

Tawagin mo na lang akong Adolf, 43 anyos at ang asawa kong si Margot ay 36. Madalas, napupuyat ako dahil hindi ako makatulog dahil sa kanyang paghilik. Kaya napipilitan akong matulog sa sofa sa labas ng aming silid. Pero tingin ko ay hindi normal sa mag-asawa na hindi magkatabi sa pagtulog.

Wala pong ibang kapintasan ang misis ko. Bilang housewife, laging maayos ang aming tahanan. Kahit may katulong kami, patuloy siyang gumagawa ng gawaing bahay. Wala talaga akong maipipintas sa kanya na mapagmahal din sa akin at sa aming mga anak.

Ano po kaya ang dapat ko ng gawin?

Adolf

Dear Adolf,

Nabasa ko na ang paghihilik ay dahil sa isang kondisyong pangkalusugan na kung tawagin ay obstructive sleep apnea. Hindi ako medical doctor, pero ayon lang sa nabasa ko, maaaring mauwi ang ganyang kondisyon sa sakit na diabetes, hypertension at sakit sa puso.

Mahalagang mapasuri mo siya sa doktor para maagapan ang ano mang nagbabantang karamdaman. Kahit sa lalaki, hindi ito puwedeng tawaging normal dahil ito ay isang sintomas ng isang karamdaman na dapat matukoy para maagapan bago lumala.

Dr. Love

 

 

 

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with