^

Dr. Love

Online ligaw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Jim Kurt. Ang akala ko, ok na kami at sasagutin na niya ako. Nakaka-turn off lang kasi parang pinaasa at pinaglaruan lang niya ang damdamin ko.

Naka-chat ko ang isang babae, tawagin na lang natin siyang MM. Actually, lagpas 200 ang mutual friends namin sa fb, kaya tiwala akong hindi siya katulad ng ibang babae na makiki-ride on lang sa mga manliligaw nila.

Matagal ko rin nakilala si MM. Halos gabi-gabi kaming magkausap online. Cool siya, bukod sa maganda, kaya gusto ko na maging kami na. Kaya lang mukhang ang gusto lang niya ay kiligang pag-uusap. Dahil nang sabihan ko siya na umaasa akong magiging kami, tumigil na siyang makipag-chat sa akin.

Hindi ko na ma-contact ‘yung previous number niya. Sayang gusto ko na siya. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa, baka sinusubukan lang niya ako kung gaano ako katiyaga para maging kami na. Ang hirap, nangangapa ako kung seryoso ba siya sa akin.

Jim Kurt

Dear Jim Kurt,

Keep on trying, kung may nakikita kang konting pag-asa kay MM.

Pero kung ayaw na sa’yo ni MM, hanap ka pa hanggang makita o matagpuan mo ang totoong para sa iyo.

Hanapin mo ‘yung talagang makakasundo mo at tatanggapin ka kung sino ka.

Huwag mawalan ng pag-asa, dahil natitiyak ko na may sadyang nakalaan para sa gaya mo na handang ibigay ang buong puso. Hangad ko ang makulay na love life mo.

Dr. Love

vuukle comment

DR.LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with