^

Dr. Love

Paulit-ulit na panaginip

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Zarina. Ayaw kong maniwala na kapag nanaginip, nagkakatotoo. Ilang beses ko nang napanaginipan na ang asawa ko na nasa abroad ay nangangaliwa. Kitang kita ko na naghahalikan sila ng babae.

Syempre walang maniniwala sa akin dahil panaginip lang iyon. Kaya pinahula ko rin. Nagpunta ako sa isang expert na manghuhula. Ang sabi niya, totoo ang aking napapanaginipan.

Hindi ko muna pinansin dahil dalawang beses pa lang naman. Pero nitong mga nakaraang araw, madalas na napapanaginipan ko siya. Dalawa hanggang tatlong babae ang lumalandi sa kanya.

Nag-aalala na ako baka totoo nga ang pana-ginip ko. Kapag totoo ‘yun, humanda siya sa akin.

Kapag magkausap kami online, hindi ko binabanggit sa kanya na nananaginip ako. Hinihintay ko lang na madulas siya.

Naisip ko rin na unfair naman sa asawa ko kung hindi naman totoo. Kaya pinipigilan ko ang aking sarili na masabihan siya tungkol sa aking panaginip.

Nang makatsikahan ko ang mga kumare ko, sumagi na naman sa akin ang tungkol sa pwede niyang gawin habang siya ay malayo sa akin. Biro kasi ng mga mga kumare ko, baka nambababae ang mister ko roon sa ibang bansa.

Kaya kapag nag-uusap kami, hindi ko alam kung sasabihin ko na o hindi.

Zarina

Dear Zarina,

Kapag nananaginip tayo, ang ibig sabihin lagi nating naiisip ang taong nasa panaginip natin. Nagpapatunay lang na sobrang namimiss mo na ang mister mo. Huwag kang mag-alala sa kanya dahil kung mambabae siya ay malalaman mo rin.

Hangga’t maaari, ituon mo ang iyong isip kung paano mo mas maipapakita sa iyong asawa na mahal na mahal mo siya. Malamang namimiss ka na rin niya.

Ipagdasal mo lagi ang iyong asawa, na lagi siyang ligtas sa anumang panagnib, lalo na sa pagkakasakit.

Ipagdasal mo na rin na matanggal ang pag-aalala mo na namba-babae siya.

Tama ka, unfair sa mister mo kung hindi naman totoong nambababae siya, tapos ‘yun ang naiisip mo na nangyayari.

Kaya ka lang nana-naginip dahil lagi kaya niyang naiisip at ganoon ka rin sa kanya.

Hangga’t wala kang ebidesiya ay wala ka pang dapat ipangamba.

DR. LOVE

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with