^

Dr. Love

Pagmamahal na ‘di ma-appreciate

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Edilbert. Bakit ganun? Nagmahal naman ako ng totoo pero bakit hindi niya ma-appreciate ang ginagawa ko para sa kanya?

Alam ko, mas matanda ako sa kanya. Pero ‘di ba age doesn’t matter. Parang love doesn’t matter ang nangyari sa akin.

Maputi lang ang buhok ko, pero hindi naman ako ganun katanda. Mas matanda lang ako sa kanya ng anim na taon.

Kaso kapag may nakakakita sa amin na mga kakilala niya, ang akala tito niya ako. Minsan ayaw lumapit ng friends niya, baka raw masungit ako.

Yes, matandang binata ako pero ang aking puso ay batang bata pa rin sa pag-ibig.

Alam kong hindi ko mabibili ang atensyon niya at alam kong mas gusto niya ang mas bata sa akin. Hindi ko lang talaga mapigilan ang aking sarili na mahalin siya.

Nagsimula lang naman ‘yun nang minsan umulan at nakisulong siya sa akin. Hinatid ko siya sa may kanto ng kanilang lugar. Actually hindi ko dala noon ang kotse ko.

Naging madalas ko na siyang nakakasabay, galing siya sa kanilang office. Alam ko na wala siyang bf dahil walang sumusundo at nag-iingat sa kanya kapag umuwi siya. Ayaw ng parents niya sa akin dahil nga parang tito na niya ako. Alam ko na napipigilan siya dahil mas matanda ako sa kanya.

Hindi pa rin maiwasan na may sasabihin sa amin ang ibang tao.

Edilbert

Dear Edilbert,

Igalang mo ang kanyang pag-aalangan.Pwede naman kayong maging magkaibigan. Gawin mo lang din ang pagtulong sa kanya, paraan kung paano mo nakuha ang kanyang atensyon. 

Kahit hindi “kayo”, pwede mo pa rin siyang ingatan at bigyan ng halaga ngunit hindi sa malalim na tulad ng iyong inaasahan.

Hayaan mo muna siyang kilalanin kang mabuti at makita niya ang tapat mong mithiin.Baka magbago ang ihip ng hangin.Huwag kang mawalan ng pag-asa.

Kundi hindi naman maging “kayo” ay idalangin mong matagpuan mo ang babaeng para sa iyo. Hindi pa huli ang lahat.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

 

 

vuukle comment

DR LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with