^

Dr. Love

Pinalalayo sa tomboy

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Bakit po may mga taong mahilig makialam ng buhay ng may buhay. Hindi naman po sa ayaw kong masabihan, paulit-ulit lang ang hipag ko na huwag akong makipagkaibigan sa tomboy.

Eh, wala naman kaming ginagawang masama. Kilala naman siya ng asawa ko. Matagal na rin naman siyang naglalagi dito dahil ang turing namin sa kanya ay halos kapamilya na.

Lagi niya akong sinisita kung bakit punta nang punta sa bahay si tomboy. Mabuting tao siya at walang masamang intensyon sa akin. Siya nga napapakisusuyuan ko para sa aking dalawang anak.

Simula nang nag-abroad ang mister ko, panay ang silip nila sa mga ginagawa ko. Itinutulad nila ako sa mga asawang naglalandi sa iba habang nasa abroad ang asawa. Ayoko lang sagutin ang hipag ko baka baligtad pa ang mangyari. Baka isumbong pa niya ako sa asawa ko na ipinagtatangol ko si tomboy.

Kung tutuusin mas gusto kong kasama si tomboy kaysa sa kanila. Gusto ko na sanang bumukod ng bahay para hindi na nila ako mapansin. Kaso baka madagdagan pa ang pagdududa nila.

Minsan, gumawa pa sila ng istorya na lalong masama sa kalooban ko. Pinatulog ko lang naman si tomboy sa bahay dahil naabutan siya ng curfew. Wala naman ka-ming ginawang kalokohan. ‘Yun ang pinaka-nakakainis na ginigiit niya sa akin.

Hindi na nga ako lumalabas ng bahay at hindi ko na rin pinapapunta sin tomboy dito. Kung makahatol sila parang sila lang ang malinis. Ako lang ang kaya nilang maliitin.

Maya

Dear Maya,

Hindi natin masisisi ang iyong hipag o mga kamag-anak ng mister mo.

Una, nag-aalala lamang sila para sa kanilang kamag-anak.

Kung sa palagay mo ay sumosobra na sila, maaari kang manahimik muna at hintayin mong makabalik ang mister mo, dahil siya lamang ang makapagpapaalala sa kanila.

May nakikita silang dahilan para pagdudahan ka, mainam na sabihan mo na rin si tomboy na umiwas muna para makalayo ka sa gulo. Maiintindihan ka naman niya, malamang.

Para na rin sa iyong kabutihan, minsan kailangan din na mag-adjust tayo para wala silang masabi. Hindi naman natin hawak ang isip nila. Focus ka na muna sa anak ninyo at sa mga gustong mangyari ng mister mo para sa inyong future.

DR. LOVE

 

 

 

 

vuukle comment

LESBIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with