^

Dr. Love

Nagsasama nang walang pagmamahal

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Miserable ang buhay ko sa piling ng aking mister nitong nakalipas na dalawang taon. Patuloy akong nakikisama sa kanya pero ang katunayan, wala na akong nadaramang pag-ibig sa kanya.

Tawagin mo na lang akong Lita, 27 years old at may dalawang maliliit pang anak sa aking asawang si Paul. Ok sana ang relasyon namin hanggang may matuklasan akong lihim sa kanya. Mayroon pala siyang iba.

Ang higit na masaklap, hindi babae ang karibal ko sa asawa ko kundi isang lalaking teenager na pinag-aaral pa niya. Natuklasan ko ito two years ago, kaya naglaho ang pag-ibig ko sa kanya. Isa pala siyang silahis, bagay na inilihim niya sa akin. Sinasabi niyang mahal niya ako kahit may damdamin siya sa kanyang kapareho ang kasarian. Hinihimok niya akong tanggapin siya bilang siya pero naghihimagsik ang aking damdamin.

Hangga ngayon ay pinapag-aral pa niya ang kalaguyo niyang lalaki at nananatili ang relasyon nila. Nagsasama kami sa isang bahay pero magkahiwalay ang silid. Ginagampanan ko ang tungkulin ng isang asawa pero hindi ‘yung makipagtalik sa kanya. Nandidiri kasi ako. Ayaw ko lang maapektuhan ang aking mga anak kung magiging broken family kami.

Ano ang gagawin ko?

Lita

Dear Lita,

Kung tutuusin, maituturing broken ang inyong pamilya kahit pa nagsasama kayo ng mister mo sa iisang tahanan. 

Hindi ako karaniwang nagpapayo ng paghihiwalay, ngunit may mga kaso na ang pagsasama ay maaa-ring maging lason lalo na sa mga murang kaisipan ng lumalaking mga anak.

Isang malaking kasalanan ang ginagawa ng iyong mister kung ang pagbabatayan ay ang Salita ng Diyos na sinasandalan nating mga Christians.  Himukin mo siyang magbago at putulin ang kanyang relasyon sa kapwa lalaki.

Kung papayag siya, bigyan mo siya ng isang pang tsansa para mabuong  muli ang inyong pamilya. Ngunit kung ayaw niya, mas makabubuting ipawalang bisa na lang ang kasal ninyo.

Dr. Love

 

 

 

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with