^

Dr. Love

Dalawang araw na Ipinagkakait

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lang po ninyo akong Joyie. Naiinis ako dahil hindi ko na makayanan ang ginagawa ng bf ko. Ako naman ang mali dahil pumayag ako kahit Sabado at Linggo lang niya ako pupuntahan para mairaos namin ang aming lambingan.

‘Yun na nga lang ang hinihingi ko sa kanya, pero marami siyang dahilan kapag hindi siya makakara-ting sa akin.

Ako naman ang nagkamali. Nadala ako sa himok sa akin ng kanyang kaibigan, kaya napabayaan ko siya. Ngayon pareho silang wala sa akin. Feeling ko pareho nila akong niloko.

Syempre mas mahal niya ang ka-live in niya ngayon, dahil ganap siyang babae at hindi ko siya kayang paligayahin tulad ng kanilang ginagawa.

Nakakahiya man, naglakas-loob na ako para na rin sa mga katulad kong beki na madalas perahan at laging paghihintayin tapos iiwanan.

Masama ba ang umibig sa katulad namin? Kami nga itong buhos kung magmahal.

Wala akong sama ng loob sa girl. Actually isang Linggo nga ang ibinigay ko para sa kanila, dalawang araw lang ang para sa akin. Tapos naipagkakait pa niya.

Joyie

Dear Joyie,

Kung nahihirapan ka sa inyong kalagayan, magdesisyon ka nang maghiwalay kayo. Ganyan nang ganyan ang mararanasan mo at kung hindi mo ititigil ang paghihintay mo at paghahanap sa pag-asang magkikita kayo sa mga darating na araw.

Hayaan mo siyang matuto at kung talagang mahal ka niya, dapat siyang mamili sa inyo. Hindi pwedeng dalawa kayo.

Hindi lang naman ikaw ang niloloko niya , kundi maging ang kanyang kinakasama. Tulu-ngan mo ang iyong sarili. Humanap ka ng talagang para sa iyo, ‘yung wala kang kahati.

Sana nga ay magi-sing sa katotohanan ang mga lalaking tulad niya. Mapagsamantala at walang pakundangan.

Kung maayos ang kanyang disposisyon, hindi niya gagawin sa iyo at sa girl ang ginagawa niya ngayon. Pareho lang kayong nasasaktan at pareho lang kayong magsisisi sa bandang huli. Love is a choice but choose what is good and beneficial sa iyo.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with