^

Dr. Love

Waiting pa rin magka-jowa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ching na lang ang itawag ninyo sa akin. Tagal ko nang naghihintay na magka-jowa.

Lagi na lang akong namamaling akala…tapos wala akong napala.

Nito lang mga ilang araw, may nag-i-stalk ng fb account ko. Akala ko kasi ako ang gusto ng ka-chat ko sa fb. Kinuha niya ang lahat ng details ko at halos walang palya siyang nagtsa-chat sa maghapon.

Ok lang nung una, na-excite na ako at sumasakay na ako sa mga buladas niya.

Pero kinukulit niya ako kung puwede raw ibigay ko ang pangalan ng lagi kong kasama sa photos ko.

Kinukulit niya akong mag-eyeball kami sa SM Manila. Hindi nga ako pumapayag dahil baka budol budol siya. Guwapo naman at mukhang hindi gagawa ng masama.

Alam ko na hindi ako talaga ang pakay niya, ang pinsan ko. Kaya pala ang likot niya sa account ko. Lagi niyang sini-seen ang mga friends ko. Ang problema niya naka-private at alyas lang ang nakalagay sa account ng pinsan ko.

Pinakita ko sa pinsan ko ang mga chat niya. Sinabi ko na hindi ako ang pakay ni ‘Da Boy.

Ito namang pinsan ko parang nagwapuhan sa kanya. Kinukulit akong pumayag na makipagkita sa lalaking iyon.

Kaya nag-set kami ng eyeball. Hayun, to make my story short sila ang nagkasundo at pinsan pala siya ng klaymet ng pinsa ko.

Hay! Akala ko may manliligaw na sa akin at jojowain ako. Pero malakas ang pakiramdam ko na ako na ang susunod na makikipag-eyeball.

Ching

Dear Ching,

Tama ‘yang ginagawa mo. Lakasan mo lang ang confidence mo. I check mo lagi ang fb account mo kung may mga naliligaw para maghanap ng madyo-jowa. Pero ingat lang. Maraming gumagamit ng pekeng account. Pekeng profile pic.

Talagang hindi  para sa’yo ang guy na iyon, kundi para sa pinsan mo. Dapat nga maging masaya ka dahil ikaw ang naging dahilan para sila magkita.

Marami pa namang pagkakataon na pwedeng ikaw naman ang may makilala. Huwag ka lang susuko, sabi nga  ‘di ba…successful person never quit.

DR. LOVE

CHING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with