_ngayon
^

Tinukso ng biyenan

(Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Nakakahiya mang sabihin ay nais kong ipagtapat sa iyo ang isang pangyayari na nagdulot ng mala-king problema sa aking buhay. Itago mo na lang ako sa pa-ngalang Jayson, 34 anyos at biyudo. Wala pa kaming isang taong kasal ng misis ko nang mag bago sa takbo ng buhay ko.

Naganap ito noong Pebrero, taong 2018. Maganda at sexy ang ina ng aking asawa. 52 anyos na pero makinis at maganda ang katawan, aakalain mong 30 anyos pa lang. Isa na rin siyang biyuda at dahil solong  anak ang misis ko, nakiusap ang asawa ko na sa amin na rin siya tumira.

Nagbakasyon kami nun sa Baguio at nagpasamang mamalengke ang misis ko sa aming kasambahay. Kami ng aking magandang biyenan ang naiwan sa rest house na aming inupahan. Wala sigurong mangyayari sa amin kung hindi nagpakita ng motibo ang biyenan ko.

Nagbihis siya ng seksing damit, lumapit sa akin, niyakap ako at hinagkan. Una sa pisngi na dumausdos sa aking mga labi. Hindi na ako nakapagpigil sa sarili ko kaya nahulog ako sa kanyang panunukso.

Nasa living room kami noon at nang papasok na sana kami sa silid ay dumating ang asawa ko at inabutang magkalapat ang aming mga labi. Hinimatay ang asawa ko sa tagpong nasaksihan niya.

Ilang araw nagkulong sa kuwarto  ang misis ko at nagulat na lang kami nang matagpuan namin siyang nagbigti. Nagpakalayu-layo ako sa kabila ng pakiusap ng biyenan ko na huwag ko siyang iiwan. Ayoko nang dagdagan pa ang bigat ang kasalanang ginawa ko.

Nabalitaan ko na lang na pagbaril sa sarili ang biyenan ko. Hanggang ngayon ay sinusumbatan ako ng konsensya ko. Ano ang gagawin ko para mapawi ang sumbat ng budhi?

Jayson

Dear Jayson,

Kahit kasalanan ang iyong ginawa, ang buong bigat ng pagkakamali ay hindi mo dapat isisi sa sarili mo. Lalaki ka lang na nadarang sa tukso. Ano mang bigat ng kasalanan ay may nakalaang pagpapatawad ang Diyos basta’t magsisisi ka nang tauspuso. Hingin mo ang pagpapatawad ng Diyos at patatawarin ka niya.

Huwag mong pahintuin sa pag-ikot ang daigdig dahil sa isang pagkakamaling nagawa mo. Bata ka pa at puwede pang magbukas ng mga mas magagandang kabanata sa buhay mo. Basta’t humango ka ng aral sa iyong nagdaang karanasan para huwag nang maulit ang madilim na kabanata sa iyong buhay.

Dr. Love                                                                                               

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with