_ngayon
^

Natanggal sa trabaho

(Pilipino Star Ngayon) - May 12, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang akong Oswald, 21 anyos at may asawa. Dominante ang asawa ko at nakakahiya mang aminin, ako ay ander de saya. Nagtatrabaho ako sa isang pabrika ng biskwit at minimum wage lang ang kinikita ko.

Ang misis ko naman ay isang tindera ng gulay sa palengke at pilit naming pinagkakasya ang aming kinikita para maitaguyod ang aming pamilya. Mayroon na kaming dalawang anak.

Pero dahil sa pandemya, nagkaroon ng pagbabawas ng trabahador sa aming pabrika at kabila ng ako sa natanggal. Ayaw kong ipaalam ito sa aking misis dahil kagagalitan niya ako, tiyak.

Isang buwan na akong walang trabaho at ang ginagawa ko, umuutang ako sa mga kaibigan ko para mabuo ang sinasahod ko at ‘yun ang iniintrega ko sa aking asawa.

Pero hindi ko ito pwedeng gawin palagi dahil saan ako kukuha ng pambayad sa inuutang kong pera? Natatakot ako na hindi lang magagalit sa akin ang asawa ko, kundi baka iwanan pa niya ako.

Pagpayuhan mo po ako Dr. Love.

Oswald

Dear Oswald,

Hindi mo kasalanan kung naalis ka sa trabaho. Madalas mangyari iyan ngayon dahil maraming kompanya ang nalulugi dahil sa pandemya. Napakawalang-konsensya naman ng asawa mo kung kagagalitan ka sa isang bagay na wala kang kasalanan?

Ano ang dapat mong gawin? Sabihin mo sa misis mo ang totoo at magsimla ka nang maghanap ng trabaho. Huwag kang magpaandner kung ikaw ay nasa katuwiran. Ikaw ang lalaki at padre de pamilya, kaya iyan ang panindigan mo.

Dr. Love

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with