_ngayon
^

Mag-‘on’ online

(Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Marami na po akong nabasang story sa inyong column na kinapulutan ko ng aral. Ako po si Allan na taga-Taguig.  Nagka-girlfreind ako online. Nakilala ko siya kaka-search ng mga site na pwedeng maka-meet ng babae. Noong una, ilag ako kasi baka manloloko lang.

Sabi ng kapatid ko, tigilan ko na raw baka kung anong klaseng tao pa ang makilala ko. Hindi ako nakinig sa kanya, tuloy pa rin ako sa pag-search.

Hanggang may nakita akong site na halos mga Pilipino lang ang nagse-search. Mula sa letter A-Z sana ang gagawin kong pagse-search pero nag-decide akong pumili na lang na ang pangalan ay talagang Pilipina ang dating, Liwanag. At meron nga! Kaya sinubukan ko siyang i-chat.

Sa una, nagkakabolahan pa kami. Pero nang may mabanggit akong mahilig ako sa music, hilig din pala niya ‘yun. Kaya naging madalas ang aming tsikahan online.  Saka ko ini-reveal ang sarili ko. 

Nakakatuwa lang dahil magpo-four months na kami. Enjoy naman kasi, kaya nga gusto ko na ng magkita kami ng personal. Pero parang ayaw pa niya dahil baka raw hindi ako magandahan sa kanya.

Hindi ko po alam kung talagang seryoso siya pagiging kami o baka talagang hanggang online na lang kami.

Allan

Dear Allan,

Huwag kang masyadong mag-alala kung ayaw pa ng girl na mag-meet kayo. Una, talagang delikado pa.

Pangalawa, baka talagang hindi pa siya ready sa relationship na lantad. Pangatlo, baka tulad mo ay nag-aalala siyang lolokohin mo lang siya.

Kaya mabuti na hayaan mong siya na ang mag-aya na puntahan mo siya sa kanilang bahay o magkita kayo.

Mahirap kasi kung ipipilit mo ang hindi niya gusto.

Simple lang ang gawin mo, iturin mo muna siya gaya ng isang matalik na kaibigan at hayaan mong mapatunayan  niyang mahal mo siya talaga.

DR. LOVE

 

 

 

 

 

 

 

 

DR LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with