_ngayon
^

Nagpapasalamat na iniwan ng mister

(Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Fatima Rose. Gusto ko lang magpasalamat sa aking mister na nang-iwan sa akin, sampung taon na ang nakakaraan. Ang akala ko noon, hindi ako tatagal. Halos araw-araw ay iniiyak ko ang pagkawala niya sa aming piling.

Lahat ng pangarap ko, akala ko ay guguho at hindi ko na maiaahon ang aking pamilya.

Iniwan niya ang kanyang mga anaksa akin. Ako ang mag-isang naging nanay at tatay sa aking mga anak. Naranasan ko ang magtinda sa kalye para lang kumita ng pera. Nagtinda ako ng lumpia at kakanin.

Naluluha pa rin ako minsan kahit nawawala na at nasasanay na ako sa tulong na rin ng mga taong nagmamahal sa akin, ang aking nanay at tatay. Mainam at napapayuhan nila ako. Sila ang naging lakas ko sa panahon na gusto kong sumuko.

Naranasan ko na kaawaan ang aking sarili at ang pagkamunghi sa mga lalaki. Pero lagi nila akong sinasabihan na magpaubaya na ako.

Tanggapin ang pagsubok na ibinigay ni Lord sa akin. Lakasan ko raw ang aking loob para hindi makita ng mga anak ko ang hirap ng aking damdamin.

Salamat na rin sa kanya dahil marami akong natutuhan sa buhay lalo na ang tumayo at pilit na itaguyod ang  pagtatapos ng aking mga anak.

Isa na sa mga anak namin ang graduate na ng senior high, may dalawa pa. Alam ko hindi lang ako ang may ganitong situwasyon. Kaya para sa atin, Happy Mothers’ Day.

Fatima Rose

Dear Fatima Rose,

Maraming salamat sa iyong ibinahagi. Totoong marami ang katulad mo na single mom na nagtitiyaga at nagtitiis para itaguyod ang kanilang mga anak.

Saludo ako sa iyo dahil hindi mababayaran ang kadakilaan ng isang nanay na katulad mo.

Mas espesyal ang araw na ito para sa iyo. Isa lang ang hi-ling ko sa mga anak ng single mom, ang maging masunurin kayo at huwag nang pasakitin ang ulo ng inyong nanay.  Igalang pa rin ninyo ang inyong ama kung siya ay nagpaparamadam sa inyo, dahil tatay ninyo pa rin siya.

Sa iyo muli Fatima, ipagpatuloy mo lang ang pagmamahal mo sa iyong mga anak. May gantimpala ang Diyos sa nanay na tulad mo.

DR. LOVE

LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with