^

Dr. Love

Ayaw sa murang wedding gown

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang ninyo akong Lito. Nakabili ako ng wedding gown pati na rin ang singsing sa mas mababang halaga, pero ayaw ng magiging misis ko.

Ang gusto niya, ibalik ko ang gown sa may-ari. Ang alam ng misis ko, kaya may nagbebenta ng mura dahil may problema ang ikakasal sa magi-ging partner nito.

Napanood daw niya na may nagbebenta na isang babae na nakatakda nang ikasal, pero hindi natuloy dahil may third party raw ang partner niya.

Kaya natatakot siya, baka may mangyaring masama sa aming dalawa kung ang gown na iyon ang kanyang isusuot.

Parang may sumpa raw ang ganoon. Marami na raw siyang mga naririnig sa mga ganyang nagbebenta ng muaa. Kung maaari raw ay ibalik ko na at bumuli na lang ako ng bago.

Ayokong ibalik para malaman niya na wala sa ganoon iyon. Nasa aming dalawa ang magiging buhay namin.

Hindi maalis ang takot sa kanya. Ang iniisip niya na malas ang mga ganoong gown. May kasamang paghihinagpis ng may-ari. Baka raw madamay pa kami.

Malapit na ang aming kasal. Mas mainam at makatipid ako sa gastusin namin at hindi ko na masyadong iintindihin ang gown pati na ang singsing. Ang alam ko, ang pagsusukat lang ng gown ang malas. Hindi ‘yung nabili mo kung saan o kanino.

Balak ko na rin namang isauli pero nang i-chat ko ang may-ari considered sold na raw po at hindi na pwedeng ibalik.

Lito

Dear Lito,

Aba parang malas nga ang gown. Ngayon pa lang hindi na kayo magkasundo ng partner mo, biro lang. Kaya nga ang mga kinakasal ay may seminar bago pa sila ikasal. Maging sa civil o sa simbahan, ang tawag sa seminar ng simbahan ay pre- cana. Dito ipinaliliwanag ang lahat. Kaya walang swerte o malas sa kasal.

Walang kinalaman ang gown sa buhay ninyo bilang mag-asawa, kung may sumpa man ito o wala.

Ang pinakamahalaga sa kasal ninyo ay ang inyong pagtanggap sa isa’t isa bilang husband and wife. Ganun lang. Huwag kayo masyadong mag-focus sa panlabas na preparasyon sa inyong kasal.

Kahit nga simpleng damit na puti at simpleng disenteng damit ay ok na. Simpleng handaan, simpleng kasalan. Lahat ng panlabas na pagha-handa ay secondary lamang. Ang pinakamahalaga ay nagmamahalan kayong dalawa. Hindi lang kayo swerte, kayo ay pinagpala ng Maykapal.

DR. LOVE

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with