^

Nagkamali sa tamang tao

(Pilipino Star Ngayon) - April 23, 2021 - 12:00am

Dear Dr. Love,

v

Sa nangyaring ito sa akin, malaki ang pasasalamat ko dahil tinanggap pa rin ako ng aking mga magulang, maging ang nasa sinapupunan ko at ang magiging ama nito.

Aminado ako na plano ko sanang hindi ituloy ang pagbubuntis bago ko ipaalam sa aking mga magulang.

Pero sa pagatatanong-tanong namin, iisa ang payo sa amin..na huwag idamay ang sanggol.

Kaya desidido akong ituloy ito kahit na ano man ang mangyari.

Alam n’yo po, crush ko rin ang magiging ama ng aking baby, kaya nangyari ang lahat. Pinanindigan naman niya ang kanyang ginawa at mahal din naman niya ako.

Hindi pa kami kasal dahil naghahanda kami para sa aking virtual graduation sa kursong Media Communication. Marami pa kaming plano.

May pagkakamali ako pero mabuti na lang nagkamali ako sa tamang tao.

Prima

Dear Prima,

Tama na maging thankful ka sa pa-rents mo, dahil hindi lahat ng magulang ay suportado ang naging situwasyon mo. Payo ko rin na lagi mong alala-hanin ang dahilan sa pagsasama ninyo, na walang iba kundi ang pagmamahalan. Para walang puwang ang sisihan sakaling dumating ang hindi pagkakaunawaan  sa inyong dalawa.

Nawa’y punuin ninyo ng pagmamahal ang magiging anak niya bilang kaloob sa inyo ng Diyos.

DR. LOVE

DR. LOVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with